^

Pang Movies

LA at Beaver, naghihintay ng malaking break

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
LA at Beaver, naghihintay ng malaking break

Hanggang ngayon pala active pa sa showbiz si LA Santos. Akala ko noon nag-iba na ng career ang singer at aspiring actor, pero sabi ng kanyang mommy na si Flor, lumalabas daw sa isang magandang role si LA Santos sa Darna.

Mahusay at very professional naman si LA kaya baka naman ito na ang maging simula ng pagiging very active niya sa showbiz.

Matagal na rin siyang pumasok as singer and actor, isang malaking break lang ang hinihintay para sa kanya. Pareho sila ni Beaver Magtalas na isang malaking break lang ang hinihintay.

Bongga, kailangan lang hintayin ang break na iyan, at iyon na ang umpisa para sa katuparan ng mga pangarap nina LA at Beaver.

AMBS, bongga ang reception

Nakalimutan ko, Salve, na batiin si Avec Amarillo ng Villar TV ng congratulations sa magandang reception ng Advanced Media Broadcasting System sa aming lugar sa Fairview.

Talagang maliwanag at malinaw ang lumalabas sa TV namin, at ‘pag nabigyan pa ng maraming content at exciting shows tiyak na bongga ang Villar TV. Maganda nga na ngayon alam na ng lahat na full operation na ang network ng mga Villar.

Sure na magbibigay ito ng magandang competition sa lahat ng nasa TV industry. Bongga at exciting dahil nandito na ang Villar TV.

vuukle comment

AMBS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with