Kaya ‘di takot sa demanda...Dawn, nilantad ang jowang abogado
Ipinakilala na ng ex-PBB housemate and former member ng all-girls dance group na GirlTrends ng It’s Showtime na si Dawn Chang ang kanyang bagong nobyo sa katauhan ng lawyer na si Ralph Calinisan.
Ang dalawa ay nakitang magkasama sa The Farm ng San Benito, Batangas where the couple celebrated Ralph’s birthday.
Bago si Ralph ay naging kasintahan ni Dawn ang actor na si Justin Cuyugan.
Aktor, apektado pa sa hiwalayan nila ng misis
Marami ang nanghinayang sa paghihiwalay na celebrity couple na ito considering na ipinaglaban nila ang kanilang pag-iibigan sa pamilya ng babae.
May ilang taon ding nagsama bilang mag-asawa ang dating couple hanggang sa ito’y mauwi sa hindi inaasahang hiwalayan.
May lumalabas na tsika na ‘yung lalake umano ang unang ‘nagloko’ pero may version naman na si babae raw ay may bagong karelasyon sa ibang bansa na madalas umano nito puntahan.
Lately ay hindi umano nagre-report sa kanyang trabaho ang guy at kapag dumarating naman daw ito ay sandali lamang at mainit parati ang ulo.
Balitang-balita sa trabaho ng guy ang hiwalayan ng (dating) mag-asawa na hindi inaasahang magkakahiwalay lalupa’t kilala ang mister sa pagiging supportive sa kanyang misis at mga hilig nito.
Kung ang ina lamang ng babae ang masusunod, gusto niyang maayos pa ang problema ng (dating) mag-asawa pero wala naman umano siya sa lugar para panghimasukan ang problema ng kanyang anak at (dating) mister nito.
Marami rin sa kanilang mga kaibigan ang nanghihinayang dahil naging witness sila sa pag-iibigan ng (dating) mag-asawa.
The way things are going, mukhang malabo nang masalba ang relasyon ng (dating) mag-asawa. Sa dalawa, sobrang apektado ang guy sa kanilang paghihiwalay ng kanyang misis.
Danny ng APO, may sakit
Marami ang nanghinayang nang mabuwag ang grupong APO Hiking Society na binubuo nina Danny Javier, Jim Paredes at Boboy Garovillo nung 2010 pero ito’y naging mutual decision ng tatlo after 45 years ng kanilang pagsasama since their high school days sa Ateneo de Manila University kung saan sila nagtapos ng pag-aaral.
Danny took care of the family business pero maysakit umano ito ngayon habang si Jim ay nag-migrate sa Australia although paminsan-minsan ay bumabalik ito ng Pilipinas habang si Boboy ay tumawid sa pagiging actor.
Aminado si Boboy na hindi naging madali ang kanilang paghihiwalay nina Danny at Jim sa APO na halos limang dekada niyang kasama sa pagkanta at pagbibigay ng saya sa mga tao hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Pero nabuwag man ang APO Hiking Society ay nanatili pa ring sikat ang kanilang classic hit songs na iniwan tulad ng Ewan, Pumapapatak Na Naman ang Ulan, Panalangin, Batang-Bata Ka Ka, Kaibigan, When I Met You, Bawat Bata, Nakapagtataka, Mahirap Magmahal ng Syota ng Iba, Show Me A Smile, Paano at marami pang iba.
Hindi ikinakaila ni Boboy na ang kanyang buhay sa APO was his happiest moments dahil bukod sa kanilang pagkakaibigan nina Danny at Jim, doon din nila nabuo ang kanilang pagkakaroon ng sariling pamilya, ang kanilang loyal fans at mga kaibigan.
Nakaramdam man daw siya ng separation anxiety sa kanilang paghihiwa-hiwalay sa grupo, nagpatuloy naman si Boboy bilang actor.
- Latest