^

Pang Movies

Rey Valera, hiwalay na rin sa misis ng 20 years

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Rey Valera, hiwalay na rin sa misis ng 20 years
Rey

Hindi ikinakaila ng veteran singer, songwriter, hitmaker, musician, film scorer and OPM icon na si Rey Valera (Reynaldo Valera Guardiano) na produkto rin umano siya ng hiwalay na magulang at tatlo umano silang magkakapatid at siya ang nasa gitna ng kanyang elder sister and younger brother. Maaga rin silang nawalan ng ina kaya nakitira sila sa kamag-anak in Bulacan.

For a while ay tumira umano siya sa kanyang ama na muling nag-asawa pero hindi siya nagtagal dahil hindi niya nakasundo ang kanyang madrasta o stepmother.

As a young boy ay naging bahagi siya ng kanilang church choir kung saan niya na-discover ang kanyang talent sa pagkanta and eventually sa pagku-compose.

Since malapit lamang sa sementeryo ang kanilang tinitirahang bahay, doon umano siya nagku-compose ng mga awitin. Naging bahagi rin siya ng Electric Hair Band bago siya nag-solo.

Ang kanyang first hit single na siya rin mismo ang ang-compose was originally intended for Rico J. Puno na namamayagpag noon ang kasikatan sa bakuran ng Vicor Music Corporation na pag-aari pa noon ng magpinsang Vic del Rosario, Jr. at Orly Ilacad.

The song was presented to Rico J. na tinanggihan naman ng namayapang singer. Ang ginawa noon ni Chito Ilacad (younger brother ni Boss Orly Ilacad) na siyang head noon ng production sa Vicor, he asked Rey na siya na lamang mag-record ng nasabing awitin at dito nagsimula ang kanyang recording career.

Nalaman lamang ni Rey na tinanggihan ni Rico J. ang kanyang kanta nang magkasama na sila ni Rico J. sa The Hitmakers kasama sina Hajji Alejandro, Nonoy Zuñiga at Marco Sison.

Kung nagkataong hindi tinanggihan ni Rico J. ang Ako si Superman song ni Rey, malamang na hanggang ngayon ay napunta lamang si Rey sa pagiging song composer.

Ang kantang Ako si Superman ang naglunsad kay Rey bilang singer-songwriter hanggang sa maging sunud-sunod na ang paghahatid niya ng hit songs na siya rin mismo ang composer.

Nang magkahiwalay sa negosyo sina Boss Vic at Boss Orly, nanatili sa Vicor si Boss Vic at kinuha niya si former Senate president Tito Sotto as Vice President for A&R (Artist & Repertoire) ng Vicor. Naiwan naman sa Vicor si Rey dahil meron pa siyang kontrata na dapat tuparin.

Isang araw, Tito Sen asked Rey na mag-compose ng isang kanta para kay Sharon Cuneta na 12 years old pa lamang noon.  

Since 12 pa lamang noon si Sharon, hindi puwedeng love song ang gawin niyang kanta. Tumatak sa isipan niya ang salitang DJ at dito nabuo ang Mr. DJ.

Nang i-record ni Sharon ang Mr. DJ, hindi lamang ito tinugtog ng mga DJ sa radio kundi naging instant hit ito making the song Sharon’s signature hit. Ito’y sinundan ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko. Since then, naging sunud-sunod na ang recording ni Sharon ng Rey Valera compositions tulad ng Sinasamba Kita, Maging Sino Ka Man, Kung Tayo’y Magkakalayo, Tayong Dalawa, Walang Kapalit at marami pang iba.

Kung si Ogie Alcasid ay isang mahusay na singer-songwriter sa kanyang henerasyon, gayundin si Rey sa kanyang panahon.

Even up to this day ay patuloy pa ring nagku-compose si Rey ng mga awitin.

Lahat ng kanyang apat na anak ay may kani-kanyang talent din sa larangan ng musika pero hindi umano niya ang mga ito in-encourage na ipagpatuloy ang kanilang musical talents kaya napunta ang mga ito sa iba’t ibang field.

Tulad ng kanyang parents na naghiwalay when they were still young, hiwalay na rin si Rey sa kanyang misis of over 20 years na si Ditas Guardiano.

Samantala, si Rey ay gumawa ng isang libro at naghihintay na lamang ng tamang panahon na ito’y ilabas sa market.

REY VALERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with