^

Pang Movies

Kelsey, dedma sa pagli-link sa kanila ni James  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kelsey, dedma sa pagli-link sa kanila ni James             
Kelsey

Pagkatapos ma-link kay James Reid, nag-celebrate ng kanyang 26th birthday ang Fil-American model na si Kelsey Merritt sa Paris, France.

Noong nakaraang Sunday, nag-post ang Victoria Secret Angel ng kanyang birthday photos sa Paris at sa pag-attend niya roon ng fashion week.

Caption niya sa isang IG video: “26 feels good.”

Maraming nabudol na netizens sa pag-link ni Kelsey kay James. Pero may ginawa lang pala silang music video para sa single ni James na u & i.

Kaya hindi true ang balitang nagde-date ang dalawa.

Ilalabas ang naturang single ngayong October sa second album ni James titled Palm Dreams sa ilalim ng kayang record label na Careless.

It is currently the second most trending music video on YouTube and has nearly 1 million views noong ma-upload ito noong September 29.

Rihanna, bibida sa half time ng Super Bowl

Nagbabalik sa pag-perform si Rihanna pagkatapos ng ilang taong pahinga. Siya ang napili ng Apple Music na mag-perform sa Super Bowl Halftime Show sa February 12, 2023 sa Phoenix, Arizona.

“IT’S ON. @rihanna will take the stage for the first ever Apple Music Super Bowl Halftime Show on 2.12.23,” tweet ng Apple Music.

Nag-concentrate sa kanyang cosmetic brand na Fenty Beauty si Rihanna ng ilang taon bago siya mabuntis at isilang ang baby boy nila ng boyfriend niya na si A$AP Rocky.

Isa sa inaabangan na musical event ang Super Bowl Halftime Show at ilan sa mga nakapag-perform na rito ay sina Madonna, Prince, Beyonce, Lady Gaga, Janet Jackson, Bruno Mars, Adam Levine, Jennifer Lopez, Shakira, Eminem, The Weeknd, Dr. Dre, Snoop Dog, at marami pang iba.

Ang Apple Music na ang main sponsor ng event pagkatapos nilang bilhin ito for $50 million. Higit na 112.3 million viewers ang tumutok sa streaming event noong nakaraang February ayon sa NBC Sport.

KELSEY MERRITT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with