Buboy at live-in partner na tumira sa Amerika, special friends na uli
Kahit na dalawang taon nang hiwalay si Buboy Villar at ang former live-in partner niyang si Angillyn Gorens, nananatili naman silang magkaibigan dahil sa co-parenting arrangement nila sa kanilang mga anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael.
Sa US na naka-base si Angillyn at nai-petition na nito ang dalawang anak para maging US citizens.
Sey ni Buboy: “Masaya, magkaibigan kami kumbaga. Chill lang kami ngayon. Lagi kaming nagkakabiruan, nandoon kami sa stage na ganun. Close friends kami, as in special friend kasi siyempre nanay siya ng mga anak namin, tatay ako ng mga anak namin. Nagtutulungan kaming dalawa para mas mapanatili namin mabuti yung sarili namin para rin sa mga anak namin. At basta masaya kami ngayon. Happy kami.”
Maayos na raw ang situwasyon nila ni Angillyn dahil may kanya-kanya silang buhay na inaasikaso. Kaya wala raw silang rason para mag-away o magtalo.
“Wala na kaming dapat pag-awayan, kumbaga wala naman dapat siyang patunayan. Maganda siya, guwapo ako. Magaling siya magluto, talented ako. Kumbaga i-appreciate natin ‘yong mga little things natin sa buhay,” biro pa ni Buboy.
Sunud-sunod ang mga trabaho ni Buboy ngayon. Napapanood siya sa Running Man PH at bumalik na rin siya sa The Boobay and Tekla Show.
Marriage nina Juancho at Joyce, sinubok ng sakit
Matindi raw ang mga pinagdaraanan ng pamilya nina Juancho Trivino at Joyce Pring kamakailan.
Nagkasakit daw ang lahat ng tao sa kanilang bahay at kahit na online ang mga hinu-host na events ni Joyce, siya pa rin ang nag-aalaga sa kanyang mag-ama.
Pero hindi naman daw pinanghihinaan ang mag-asawa dahil kumukuha sila ng lakas sa kanilang pagdasal sa Panginoon.
Mas lalo nga raw tumitibay ang pagsasama ng Juanchoyce tuwing may dumarating na pagsubok sa kanilang pamilya.
Post ni Joyce sa Instagram: “Been going through a lot lately - our whole household is sick, we’ve been slumped with work (even hosted an event while taking care of my boys in between ) and we’ve also been going through some emotional unpacking & processing... but through it all we’ve realized one thing: Faith requires us to count it ALL joy. Yes, all of it. Even the parts that are messy and sometimes ugly.
“In these tough times our marriage is TESTED, but through that testing also comes STRENGTH. so in seasons of challenges and difficulties... we count it ALL joy, for our joy is no longer hinged in circumstances, but in our never-changing, always beautiful, eternal source of hope and joy — Jesus Christ. ...pa NYC Christmas ka naman @juanchotrivino”
- Latest