‘Mga follower, nakaka-inspire’
Dialysis day ko na naman kahapon ng umaga. Four long hours sa dialysis chair, nagsusulat ako, nagbabasa ng phone, people watching ang mga ginagawa ko.
At hanga ako sa nurses ng dialysis center ng FEU Hospital dahil para silang walang pagod sa trabaho. Minsan dumadalaw ang mga doktor ko, Dr. Florante Muñoz, Dra. Rowena Linga at Dra. Nema Evangelista.
Twice a week ang dialysis ko, at sabi nga ni Dr. Mora ‘pag hindi na ako nakaihi magiging three times a week na.
I finally accepted ang kapalaran ko, after all hindi naman affected ang trabaho ko. I can still write, negotiate, and make deals.
Sabi ko nga nasa fighting form pa ako at hindi puwedeng basta i-bypass ng kahit sino. I can still give a good fight. Basta patuloy tayong maging relevant sa buhay, hindi tayo puwedeng i-ignore ng kahit sino.
Kung minsan nga challenge sa akin na magmaldita para lang tingnan kung meron pang pumapansin sa akin, hah hah. Baka kasi akala nila sleeping dragon na lang ako, ingat sila ‘pag nagising ako, hah hah hah.
Merong bumati sa akin minsan habang nasa hospital ako, waiting sa dialysis ko na nagsabi, ‘I loved your thoughts, and I liked your words’ at lagi raw nagbabasa ng IG posts natin, Salve.
Talagang nagbigay ng lakas iyon sa akin kaya enjoy ako mag-post sa IG para sa column ko na rin sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa kahit minsan tinatamad ako dahil walang energy. Dahil sa followers natin na parang energy drinks na natin kaya lumalakas uli ang aking katawan.
Thank you sa followers ko that really inspire me to write and post everyday. You always make my day.
- Latest