^

Pang Movies

Mga teleseryeng eere sa AMBS, gawa ng Kapamilya?!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tama nga pala ang sinasabi nilang marami ang magugulat sa pagbubukas ng bagong AMBS network, at totoo ring magugulat ka sa mga artistang mapapanood mo.

Kasi base na rin sa kanilang inilabas na teaser sa social media, ang mga serye nila ay halos ABS-CBN productions lahat. Kaya kung iisipin mo, dapat maging happy na ang ABS-CBN, dahil wala man silang prangkisa, puro serye nila ang tumatakbo sa Zoe TV, sa TV5, at ngayon pati sa AMBS.

Nakakasingit pa ang mga luma nilang pelikula sa GMA 7. Kaya maliwanag na ang libre lang sa mga kamay ng ABS-CBN, ay ang Channel 9, at iyong dalawang government stations na IBC 13 at PTV4.

Ang magiging kaibahan nga lang ng AMBS, siguro sila ang kumuha ng mga serye sa ABS-CBN, hindi iyon blocktime, kaya hindi kagaya ng inilalabas ng Zoe TV at TV5. At least maiiba naman ang palabas sa AMBS.

Ang na-clip lang talaga sa ABS-CBN ay iyong kanilang political influence. Kasi kahit na ang AMBS na wala pang news team sa ngayon, nakipag-collab sa CNN Philippines. Ang nanatili lang na walang outlet ay iyong TV Patrol, bukod sa cable, internet at Zoe TV. Iyong TV5 kasi, hindi nila isinuko ang Frontline dahil maraming followers.

Aywan lang namin ngayon kung mababago ang television watching habits, dahil sa wala ngang malakas na news ang AMBS, ang itatapat nila sa news programs ay si Willie Revillame, na namimigay ng milyong pisong papremyo. Kaya ba nilang baliktarin ang nakagawian nang pagdating ng primetime na magsisimula muna sa news?

Angel, wala nang interes sa showbiz?!

Nagtataka kami, bakit ang tagal-tagal nang walang ginagawang proyektong kahit na ano si Angel Locsin. Isa siya sa pinakamahusay, at pinakamalakas sa takilya noong araw, pero nang mag-asawa na, nanlamig ang kanyang popularidad.

Isa sa naging problema niya, dahil wala nga kasing ginagawa eh kaya hindi siya conscious sa katawan niya, tumaba nang todo. Tapos, aywan kung bakit parang wala na siyang interest sa kanyang career.

Naghihintay pa ba siya ng mas magandang buwelo sa career?

Hindi na rin kasi siya pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Male personality na kinabaliwan noon, naungkat ang kabadingan dahil TB pictures

Minsan ang hirap niyang nangyayari ngayong naglalabas pa sila ng “throwback” pictures sa internet. Pati tuloy ang mga bangkay na nakatago sa closet lumalabas. Usap-usapan ng mga may edad ng bading ang isang personality nang lumabas sa internet ang kanyang throwback pictures.

“Siya pala iyong cute na bata noon, bading din pala,” sabi nila. It turned out na ang kinabaliwan at hinabol ng mga bading ay poging bata noon. Mayroon naman daw sa kanilang “nagwagi.” Pero later on nalaman nila na ang “napagwagian pala noon sa kanila,” napupunta sa isang pogi ring bagets.

Eh kung wala ba naman ang throwback, mapag-uusapan pa ba iyon?

vuukle comment

AMBS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with