^

Pang Movies

Inigo, inaming ipinagtulakan sa Hollywood series  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Muntik na palang hindi makasama sa FOX series na Monarch si Inigo Pascual kung hindi siya pinilit na mag-audition ng kanyang US agent.

Kuwento ni Inigo na hesitant siyang mag-audition sa US at tatlong projects sa US ang tinanggihan niyang puntahan ang auditions dahil sa paniniwalang hindi siya mapapansin at kuntento na raw siya sa career niya sa Pilipinas.

Noong mag-announce ng casting call for Monarch, pinagtulakan pa siya ng kanyang agent na mag-audition kahit na ayaw ni Inigo.

“I was two weeks late for the submission, because I wasn’t really considering doing it. In my mind, marami namang young actors sa States, mas madali silang makukuha doon, may mas magagaling doon. Sabi ko, ‘Okay na ako sa career ko dito sa Pilipinas. Hindi naman ako makukuha doon. Ano pang point?’ Until kinausap ako ng mga managers ko. Sabi nila sa akin, ‘May career ka nga dito, pero paano ‘pag nakuha mo ‘yun? Big opportunity ‘yun. ‘Pag hindi mo makuha, there’s no harm in trying. May career ka pa rin dito sa Philippines na puwede mong balikan,’” sey ni Inigo.

July 2021 nag-audition si Inigo at after one week ay nakatanggap siya ng tawag na siya ang napiling gaganap na Ace Grayson sa Monarch. Nagsimula siyang mag-shoot para sa naturang series in September 2021 kung saan isa sa co-stars niya ay ang Oscar winning actress na si Susan Sarandon na gaganap na kanyang adoptive grandmother.

Sa Sept. 11 na mag-premiere ang Monarch sa US at Sept. 13 naman dito sa Pilipinas via iWantTFC.

Dahil sa Monarch, naging bukas na si Inigo sa mga darating pang opportunities sa kanyang career sa labas ng Pilipinas. Isang dahilan kung bakit nagpa-tattoo siya ng Baybayin word na “Malaya.”

Lianne at Carlo, nagkasundo sa music

Natuwa si Mr. Pogi 2019 Carlo San Juan sa naging tambalan nila ni Lianne Valentin para sa first anniversary episode ng Regal Drama Presents na may titulo na Love Your Beat.

Ang ganda raw kasi ng chemistry nila at pareho raw silang nagpakita ng hilig nila sa music. Si Lianne sa pagkanta samantalang si Carlo ay sa pagtugtog ng gitara.

Noong nakaraang August ay natapos ni Carlo ang kanyang pag-aaral sa college at natanggap niya ang kanyang diploma sa kanyang kurso na Bachelor of Science in Information Technology mula sa San Pedro College of Business Administration.

Patunay na kahit busy sa kanyang showbiz career si Carlo, kaya niyang mapagsabay ang trabaho at pag-aaral.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with