^

Pang Movies

Amy, napagkamalang ‘effects’ ang sunog sa ABS-CBN   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Amy, napagkamalang �effects� ang sunog sa ABS-CBN          
Amy

Sa kanyang YouTube vlog ay ipinakita ni Amy Perez ang nasunog na bahagi ng ABS-CBN last Tuesday morning gayundin ang kanyang experience sa nasabing insidente.

Kasalukuyan kasing nasa Tele­Radyo si Tyang Amy para sa morning program niyang Sakto nang maganap ang sunog. Ipinakita rin niya ang video na habang nagbabasa nga siya ng news item ay biglang tumunog ang fire alarm at nag-off the air na ang programa dahil pina-evacuate na ang lahat ng empleyado sa gusali.

“So, habang nagbabasa ako kanina nung ‘poll for you,’ may tumunog na malakas na alarm. Nu’ng una, hindi pa namin alam kung ano pero sabi, may sunog daw, so lumabas kaming lahat. So, ayan kami,” kwento ni Tyang Amy habang nasa labas ng gusali ng ABS-CBN kasama ang iba pang empleyado.

“Napakarami ko na talagang na-experience dito sa ABS. Dati, coup d’etat lang, eh. Ngayon, sunog,” sey pa niya.

Nung una ay inakala raw niyang effects lang ang nakita niyang usok sa studio at hindi raw niya akalaing totoong sunog na pala.

Ipinakita rin ni Amy ang bahagi ng gusaling nasusunog na umuusok pa talaga bagama’t naapula na ang apoy.

Naideklara naman agad na ‘fire-out’ na ang sunog at ipinakita ni Amy na nagbabalikan na sila sa loob ng ABS-CBN. Ayon sa report, sa 3rd floor ng main building nagsimula ang sunog habang nasa 1st floor naman ang kinaroroonan nina Tyang Amy at iba pang empleyado. Hindi na sinabi pa sa ulat kung ano ang naging dahilan ng insidente.

“So, lesson learned talaga na ‘pag ganitong may sunog, pag narinig ‘yung alarm, labas agad, ‘wag magpa-panic, kunin ‘yung mga importanteng gamit,” sabi ni Amy.

Heart, umiyak nang suotin ang BVLGARI necklace

Inuulan ngayon ng katakut-takot na simpatiya at suporta si Heart Evangelista mula sa fans niya and netizens dahil nga sa mainit na mainit na pinag-uusapang hiwalayan umano nila ng mister na si Sen. Chiz Escudero.

Sa latest post ni Heart kahapon na short reel ng pictorial shoot niya for Bvlgari, kapansin-pansin ang lungkot sa mga mata ng Kapuso actress na sinamahan pa ng malungkot na background music.

Kaya naman umani ng simpatiya ang nasabing post mula sa netizens and followers niya at nagbigay ang mga ito ng encouraging words sa kanya. Prominento ngang mababasa ang komentong “stay strong, Heart.” Komento pa ng isang netizen, “I feel the sadness in your eyes, even when you smile. You are still an inspiration no matter what you are going through. Keep your heart strong.”

Sa kanyang Instagram Story ay makikita namang umiiyak si Heart habang isinusuot sa kanya ang napakabonggang Bvlgari necklace. Ewan kung nagbibiro ba siyang umiiyak dahil tumatawa rin siya at the same time though makikita mo namang basa talaga ng luha ang kanyang mata.

Pwede rin kasing tears of joy ‘yun dahil nga isinusuot sa kanya ang napakaganda at mamahaling necklace sa kanya nang oras na ‘yun.

“It was a moment,” Heart wrote in the video.

Samantala, kapansin-pansin din na parang nilulunod ni Heart ang sarili sa trabaho. Sunud-sunod ang post niya ng kanyang endorsements, pictorials at events na dinadaluhan.

Inamin ng aktres sa kanyang recent YouTube vlog na talagang may pinagdadaanan siya ngayong personal struggles pero hindi na niya idinetalye kung ano ito.

vuukle comment

AMY PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with