^

Pang Movies

James Reid at Nancy Mcdonie, lumantad na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
James Reid at Nancy Mcdonie, lumantad na!
Nancy

May hair twinning pala ang natsitsismis na magsyotang sina James Reid at Nancy McDonie. Si James ang unang nag-post ng photo niyang blonde ang hair at sumunod na naglabas ng larawan na blonde ang hair ay si Nancy. Kaya ayun, kinilig ang kanilang fans at bagay na bagay raw ang dalawa.

May mga negative comments pa rin naman, pareho raw hindi bagay kina James at Nancy ang kanilang mga buhok. Aabangan daw nila ang susunod na gimik ng dalawa.

Sa Instagram ni James, ibinalitang bumalik siya ng bansa “to drop a MF album.” Comment ng fans, nabanggit daw ni James na para sa sec­ret gf niya ang album at si Nancy daw ‘yun. Expected na rin nila na ang music video ng single ni James, si Nancy ang kasama nito.

Ruru at Bianca, ayaw paapekto!

Kundi pa nakisawsaw si RR Enriquez sa isyu nina Ruru Madrid at Bianca Umali tungkol sa “walang label” issue, hindi pa namin malalamang si Jay Helterbrand ang syota o dyowa niya. Iba kasi ang binanggit sa amin na love of her life.

 Anyway, nasa vlog na ni RR ang isyung walang label nina Ruru at Bianca at marami ang nakisawsaw. Inaabangan kung muling magre-react ang ama ni Ruru na si Bong Madrid, pero kung si Ruru ang masusunod, dapat daw hindi na lang pinapansin ang mga sumasawsaw sa isyu nila ni Bianca.

 Nakangiti pa nga si Ruru nang makausap namin sa isyu sa mediacon ng Running Man PH. Sabi nito, pinayuhan niya ang ama na ‘wag nang pansinin ang pahayag ni RR.

 “Sabi ko sa kanya (his dad) ‘wag na niya patulan. Ganu’n talaga. I mean, you can’t please everybody, ‘di ba? Kung ‘yun po ang tingin n’yang opinyon, hindi natin maaalis sa kanya ‘yun. Sarili po niyang opinyon ‘yon. But for me, it’s okay,” ani Ruru.

Ang importante kay Ruru, okay sila ni Bianca at maayos ang pagkakakilala sa kanila ng mga close sa kanila.

“Kami naman po kasi ni Bianca... what you see is what you get. So, for sure, sa mga taong nakakakilala sa amin, sa mga taong malapit po sa amin, kilalang-kilala kami or kung anuman po ang relasyon po naming dalawa. Ayaw kong magpaapekto sa mga ganu’ng klaseng bagay so, hayaan na po natin sila,” dagdag pa ni Ruru.

Ayaw din sirain ni Ruru ang magandang takbo ng career niya lalo’t simula sa September 3, na world premiere ng Running Man PH, whole week na siya mapapanood sa GMA-7. Happy rin ang love life niya with GF Bianca.

Noong isang gabi, magkasama sila sa party ng Vogue Philippines at mukhang hindi na naghihiwalay mula nang mangga­ling sa South Korea.

Budol, sasabak sa miss planet

First runner-up sa Bb. Pilipinas si Herlene Nicole Budol, pero inuulan siya ng blessings at ang biggest blessing sa kanya ay nang magkaroon sila ng sariling bahay courtesy of her manager.

  May panibagong blessing kay Herlene, siya ang napiling ipadala sa Miss Planet Philippines 2022.

Sa Kampala, Uganda na nasa Africa sa November 19, gaganapin ang coronation night ng Miss Planet Philippines. May mga nag-congratulate kay Herlene, meron namang mga nagtatanong kung kailan pa ang beauty pageant na ito at bakit si Herlene ang napiling ipadala ng Bb. Pilipinas.

Tili, kaibigan agad ang mga baka sa kanilang hacienda 

Kinatuwaan ang video post ni Nico Bolzico sa anak na si Tili na kasama ang mga parang good friends na nito ang mga baka dahil hindi lang nilapitan, hinihimas-himas din. May eksena pa ngang nasa bibig ng baka ang kamay ni Tili at pinakain pa nito ang mga kaibigang baka.

Kaya hindi nangyari ang kinatakutan ng friends ni Nico na “Be careful bringing Tili to the dairy farm, she might not be used to cows.” Hindi nga ‘yun nangyari dahil one minute pagdating nila sa  farm, ayun na ang eksena, close na agad si Tili sa mga baka.

Nasa Argentina sina Nico at Tili ngayon at one month sila roon.

vuukle comment

NANCY MCDONIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with