Mark, nilantad ang katawan!
Ginulat ng OPM Heartthrob na si Mark Bautista ang kanyang followers sa social media nang mag-post ito ng series of sexy photos noong birthday niya last Aug. 10.
Pinakita ni Mark na puwede pa siyang makipagsabayan sa hunks sa edad na 40.
Sa isang pinost niyang photo sa Instagram, malaking scarf ang nakatakip sa pagitan ng hubad na katawan at legs ng singer. Kitang-kita na alagang-alaga pa rin ni Mark ang kanyang katawan dahil pinasilip niya ang kanyang abs.
Caption pa niya: “Time slips away so fast.. Bye tshirt, i mean, thirties! Thanks everyone for the bday greetings!”
Ilan sa mga nag-comment sa post ni Mark ay mga Kapuso hunks na sina Derrick Monasterio, Anthony Rosaldo at Rodjun Cruz.
Bago ang kanyang birthday, nagpasilip na ng kanyang sexy body si Mark nang i-post niya ang isang photo at video na nasa isang spa at sauna siya.
“..Cold water immersion is an ancient practice that has roots in many different cultures, particularly those in high latitudes. Scandinavians have long lauded the post-sauna cold dip as a way to rinse off toxins, jump-start blood flow, and release endorphins..,” caption pa ni Mark.
Taong 2018 noong aminin ni Mark na siya ay bisexual. Mapapanood siya every Sunday sa All-Out Sundays.
Iza, plinanong kumuha ng surrogate mother noon
Sa edad na 40 ay buntis na si Iza Calzado.
Ito ang matagal nang hinihintay ng aktres simula pa noong kinasal siya kay Ben Wintle noong 2018.
In-announce ni Iza ang kanyang pagbubuntis sa isang post sa kanyang Instagram kung saan hawak niya ang kanyang baby bump.
Sa dating interview ni Iza, naging open siya sa pag-freeze ng kanyang eggs at bukas silang mag-asawa sa possibility na kumuha sila ng surrogate mother. Pero hindi na nila kailangan ang mga ito dahil nabuntis na ang aktres.
Olivia Newton-John, bibigyan ng state funeral
Bibigyan ng state memorial service sa Australia ang pumanaw nang singer-actress na si Olivia Newton-John.
Pumanaw si Olivia noong nakaraang Aug. 9 sa California after a 30-year battle with breast cancer.
Ayon sa Victoria state Premier Dan Andrews na tinanggap na raw ng pamilya ni Olivia ang offer of a state memorial that would be much more of a concert than a funeral: “It will be an appropriate celebration of such a rich and generous life.”
Pinanganak sa England si Olivia pero sa Melbourne, Australia siya lumaki at nagsimula ng career bilang singer.
Ang naiwang mister ni Olivia na si John Easterling ay nagpasalamat sa millions of fans ni Olivia sa buong mundo dahil sa pinakitang pagmamahal ng mga ito.
“She was the most courageous woman I’ve ever known. In her most difficult times she always had the spirit, the humor, and the will power to move things into the light,” sey pa ni John.
Isa si Olivia sa top female singers na sumikat for five decades. Nakamit nito ang apat na Grammy Awards at umabot sa 100 million albums sold worldwide.
Bumida si Olivia sa 1978 musical film na Grease opposite John Travolta. Kabilang sa mga naging hit singles niya ay ang I Honestly Love You, Let Me Be There, Hopelessly Devoted To You, Physical, Xanadu, Magic, Suddenly, Twist of Fate, A Little More Love, Livin’ In Desperate Times and Take A Chance.
- Latest