Liezel Lopez, ayaw maging bitter
Pinangako ng Kapuso sexy star na si Liezel Lopez na mai-in love lang daw siya ngayon sa kanyang career para lagi siyang masaya at hindi maging bitter sa buhay.
Kahit wala raw siyang lovelife ngayon, happy siya sa mga trabahong dumarating sa kanya.
Sa bago niyang teleserye na Return To Paradise, siya ang hahadlang sa magandang relasyon nina Red at Eden na ginagampanan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.
Dahil kontrabida siya ulit, binigyan naman daw niya ng ibang atake ang pagiging maldita niya sa naturang teleserye.
“’Yung last teleserye ko kasi na Babawiin Ko Ang Lahat, simula pa lang alam mo na kontrabida ako kasi lagi akong mataray at nanggigigil ako sa galit. Dito sa Return To Paradise, medyo subtle lang ang pagtataray ko kay Eden. May goal kasi ako na mapasakin ulit si Red. Basta lahat gagawin ko, maangkin ko lang ulit ang lalakeng dati kong minahal kahit na makasakit ako ng damdamin ng ibang tao,” sey ni Liezel.
Hindi rin nagpakabog si Liezel sa pagpapa-sexy sa teleserye. May sarili ring mga eksena si Liezel na nag-uumapaw ang kanyang alindog sa mga suot nitong bikini. May mga eksena rin siya kung saan nayayakap niya ang mainit at maskuladong katawan ni Derrick.
Kelan lang ay pinost niya sa kanyang Instagram ang bagong sexy photoshoot niya na suot ay flesh-colored bikini at kita ang seksing katawan ng aktres.
Kasama rin si Liezel sa cast ng Voltes V: Legacy bilang ang Bozanian na si Sandra. Sa 2023 pa ito ipapalabas.
Maricel, nagdilim ang paningin
Muntik na raw mahimatay ang aktres na si Ms. Maricel Laxa-Pangilinan sa sobrang intense na mga eksena nila ni Zoren Legaspi at Lianne Valentin sa top-rating GMA afternoon teleserye na Apoy Sa Langit.
Kinuwento ni Maricel na mahaba ‘yung pinagawa ni Direk Laurice Guillen na eksena kung saan umiiyak, sumisigaw at nagiging pisikal na siya kina Zoren at Lianne. Ito ‘yung eksenang natuklasan na ni Gemma ang tunay na relasyon nina Cesar at Stella.
“Nagdilim ‘yung paningin ko. Nanginginig ako sa tuhod. Kulang na lang maubusan ako ng hininga. Akala ko hihimatayin talaga ako eh. It’s like the hardest scene na ginawa ko sa isang teleserye.
“Talagang sinagad ako and akala ko magba-blackout ako. But it was worth it dahil ang gandang lumabas ng eksena naming lahat. Lahat kami, we all did our best and we made it great.”
Nakatanggap ng maraming papuri si Maricel mula sa netizens at milyun-milyon ang views ng naturang episode sa YouTube at sa GMA website.
Latin music queen na si Shakira, gustong patunayang inosente sa Spanish tax fraud charges
Gustong patunayan ng Latin Music Queen na si Shakira na inosente siya sa inaakusa sa kanyang Spanish tax fraud charges kaya na-reject nito ang inalok sa kanyang plea deal at nais niyang humarap sa korte.
Inakusahan ang Hips Don’t Lie singer of defrauding Spanish tax office na nagkakahalaga ng 14.5 million euros ($14.7 million) sa naging income niya between 2012 and 2014.
Ayon sa legal team ni Shakira, lumipat sa Spain noong 2011 ang singer noong nakarelasyon nito ang FC Barcelona defender na si Gerard Pique, pero ang official tax residency niya ay sa the Bahamas until 2015. Magkakaroon lang daw ng agreement kapag nasimulan na ang trial sa Barcelona court.
Sinabi ng 45-year-old Colombian singer na may naganap na “complete violation of her rights” and “abusive methods” by the prosecutor.
“The prosecutor was insisting on claiming money earned during my international tours and the show The Voice on which I was a judge in the United States when I was not yet resident in Spain,” diin pa ni Shakira.
Nasa The Voice si Shakira between 2013 and 2014. Lumipat siya sa Spain noong 2015 at bayad daw lahat ng tax obligations niya sa taong iyon: “I paid 17.2 million euros to the Spanish tax authorities and I have no debt to the treasury for many years,” paniguro pa ng singer.
Noong 2014 kumita si Shakira mula sa kanyang international tours at hindi siya tumira for more than six months sa Spain, kaya hindi raw siya resident under tax law.
- Latest