^

Pang Movies

LGBTQ pumalag... Kim Atienza, nag-apologize sa sinabi na nakukuha ang Monkeypox sa M to M

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
LGBTQ pumalag... Kim Atienza, nag-apologize sa sinabi na nakukuha ang Monkeypox sa M to M
Kuya Kim

Binura at nag-apologize si Kim Atienza sa M to M (man to man) statement niya sa pagkalat ng Monkeypox na ngayon ay meron nang isang kaso sa bansa.

Marami na ngang natatakot na miyembro ng LGBTQ sa kasalukuyan dahil sa paglaganap nito sa mga nasa third sex na nagdudulot ng hindi komportableng pakiramdam sa kanila.

Kaya naman mabilis si Kuya na nanghingi ng paumanhin : “Again my deepest apologies to the people I hurt by my tweet. I am deeply sorry.

“...I am also wrong in sa­ying it’s usually spread M to M. Monkeypox can be spread by any person regardless of gender. M to F F to F.”

Nauna niya kasing sinagot ang isang follower na nagtanong ng “@kuyakim_atienza ano po ang pinagkaiba ng chicken pox sa monkey pox # KuyaKimAnoNa.”

 Kuya Kim: “Chicken pox is less severe and the virus is airborne. Monkey pox is sexually transmitted, usually M to M.”

Kilalang nagbibigay ng mga impormasyon sa mga bagay-bagay si Kuya Kim.

Homophobic daw ang dating at lumalabas na ang Monkeypox ay sakit na nakukuha sa pakikipagtalik ng mga lalaki sa lalaki.

Muling nag-tweet ang Kapuso host at sinabing :

“From WHO: Monkeypox virus is transmitted from one person to another by close contact with lesions, body fluids, respiratory droplets and contaminated materials such as bedding.”

Kinatatakutan na rin sa bansa ang Monkeypox dahil kalat na ito sa ibang bansa.

At ang mga sintomas nito : 

“Rash with blisters on face, hands, feet, eyes, mouth and/or genitals

Fever 

Swollen lymph nodes 

Headaches 

Muscle aches 

Low energy,” ayon sa website ng WHO.

EB, 43 years old na

Kakatuwa si Tali sa Eat Bulaga kahapon. Panay ang sayaw niya at parang alam na ang ginagawa ng isang host.

Nagbigay ng ibang saya si Tali sa EB na nag-celebrate ng kanilang 43rd anniversary kaya’t kumpleto sina Tito, Vic Sotto at Joey de Leon at kasama si Coney Reyes.

Kahapon din ay kinongratulate si Maine Mendoza ng Dabarkads sa kanyang engagement kay Cong. Arjo Atayde. “Ang Daddy’s Gurl ko magle-level up na ang love. Engaged na. Congratulations!,” say ni Bossing Vic Sotto.

Si Alden Richards naman ay wala nang paramdam sa EB kaya ang joke sa kanya, nasaan si Alden?

Kasama ang tambalan nina Alden and Maine sa mga sumikat sa programa nang pumutok sa Kalyeserye noong 2015 ang kanilang AlDub team-up.

Maraming umasa noon na magiging sina Alden at Maine sa totoong buhay.

Pero engaged na ngayon si Maine kay Arjo Atayde.

Kahit ayaw ng AlDub fans, ikakasal na sina Arjo and Maine.

Wala na ngang pag-asa ang dati nilang iniidolo.

Chito Miranda, live na live manghaharana 

Makiharana kasama ang Parokya ni Edgar frontman at Idol Philippines Season 2 hurado na si Chito Miranda kasama sina Gary Valenciano at Regine Velasquez, at umindak din sa Pinoy pride performance nina Darren, KZ, at Felip ng SB19 kasama ang buong pwersa ng Maneouvres Ignite, Urban Crew, at XB Gensan ngayong araw sa ASAP Natin ‘To.

 Uulan din ng saya sa rainy hits kantahan at sayawan nina, Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal, Jeremy G, Vivoree Esclito, Karina Bautista, Krystal Brimner, at ng buong ASAP Natin ‘To family kasama rin ang FLEX boys na sina Laziz Rustamov, Andrei King, Wize Estabillo, Aleck Iñigo, at Anthony Barion. Makiki-party rin sina Robi Domingo at ang cast ng Connected na sina Kobie Brown, Andi Abaya, Amanda Zamora, Gail Banawis, and Richard Juan.

Paiinitin din nina Chie Filomeno at Maymay Entrata ang inyong weekend sa kanilang nagbabagang dance showdown kasabay ang D-Grind, habang hindi rin pahuhuli sa hatwan ang BINI kasama si AC Bonifacio. 

Anyway, maaalalang massive hit noon ang kantang Harana ng Parokya ni Edgar na sa totoo lang ay hindi pa rin nalilimutan ng karamihan na kahit mga kabataan ay alam pa rin ang kanta.

KIM ATIENZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with