^

Pang Movies

Joaquin Domagoso, binawalang magsalita tungkol sa anak!

Gorgy Rula - Pang-masa
Joaquin Domagoso, binawalang magsalita tungkol sa anak!
Joaquin

MANILA, Philippines — Ang Kapuso young actor na si Joaquin Domagoso ang isa sa pinagkumpulan ng movie press sa nakaraang launching ng bagong streaming app na Juanetworx kamakailan lang.

Sinubukan nilang baka puwede na siyang magsalita tungkol pagkakaroon niya ng baby sa kapatid ni Claire Castro na si Raffa Castro.

Sa pagkakaalam namin, open si Joaquin na sagutin ang isyung ito, pero pinagbawalan siya.

Kaya nakabantay ang manager niyang si Daddie Wowie Roxas para hindi makalusot ang mga tanong tungkol sa kinasangkutang isyu ni Joaquin.

Pati nga ang pagkuha ng litrato ay kailangan group picture kasama ang ibang alaga ni Daddie Wowie na sina John Gabriel at Jovani Manansala.

Sabi ng talent manager, bida raw sila sa pelikulang prinodyus niya na pinamagatang Big Boys. Introducing din dito ang 16-anyos na si Bo Bautista (daughter nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta) at ang magkapatid na sina Javi at Sophia de Leon, mga anak naman ni Cheenee de Leon.

Si Rechie del Carmen ang director nito at kasama rin sina Alice Dixson at Gardo Versoza. Isa-submit daw nila itong  Big Boys para sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

Abala naman daw ngayon si Joaquin sa trabaho, dahil may gagawin pa itong bagong show sa GMA 7 at may isa pang pelikula silang tinapos.

Pero hanggang kailan nila iiwasan itong isyu ng bagets?

Narinig namin noon na willing daw si Joaquin na sagutin ito, dahil wala naman daw siyang balak na itago.

Paninindigan niya ito at ayaw naman niya sigurong itago ang kanyang anak, pati ang relasyon nito sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Pero sumusunod lang siya sa utos, at wala naman siyang magawa.

Kahit kontra sa gobyerno, Direk Joel handang tumulong sa movie industry

Si direk Joel Lamangan ang isa sa nagparating ng mensahe kay Tirso Cruz III na willing siyang tumulong sa FDCP na iha-handle nito.

Pormal na na-turn over ni dating Chairperson Liza Dino ang posisyong ito kay Pipo nung nakarang linggo. Sabi ni direk Joel, ipinarating niya kay Tirso na willing siyang tumulong alang-alang sa ating movie industry.

“Kung makakatulong bakit ang hindi? Basta malinaw makatulong sa taumbayan ay bukas naman ako,” bulalas ni direk Joel.

Kilalang kontra si direk Joel sa pagbabalik ng Marcos family sa administrasyon. Pero kung kinakailangan para sa ating industriya, makikipag-cooperate raw siya.“Hindi naman sarado ang utak ko e. Dahil sa mga naranasan ko ay mas marami akong duda kesa sa tanong. May mga tanong akong hindi nasasagot.Ngayon, kung kinakailangan akong tumulong, kahit hindi ako miyembro ako ng FDCP, kahit isa akong ordinaryong direktor, willing naman akong tumulong. Kung pakikinggan nila ako,” dagdag niyang pahayag.

Lugmok na lugmok na ngayon ang movie industry, at ang hiling ni direk Joel ay mapag-aralang mabuti kung paano maibalik ang interes ng mga tao sa panonood ng local film natin sa mga sinehan.

“Pag-aralan kung papano ito makaka-compete sa ibang industriya pampelikula sa ibang bansa. Pag-aralan kung paano ito maging dollar-earner, kung papano ito maging totoong industriya. Pag-aralan kung papano ang mga manonood ay  tutulungang makapunta sa sinehan. Napakamahal ng sinehan! 300 pesos, 400!

“Kaya naiisip ko, maaring ang gobyerno ay i-subsidize ang panonood  habang hindi pa kaya. Ibig sabihin, ang kalahati ay i-subsidize ng gobyerno. Pag-aralan kung paano,” saad ni direk Joel Lamangan.

JOAQUIN DOMAGOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with