Pinasok ng mga tauhan ng mister ang townhouse... Maggie, nagpapatulong sa gobyerno!
Humihingi ng saklolo sa pamahalaan ang beauty queen na si Maggie Wilson sa video na inilabas niya sa kanyang Instagram.
Sa bahagi ng pahayag ni Maggie, pumunta ang representatives ng Victor Consunji Development Corporation (VCDC, DMCI) at barangay tanods sa isang barangay sa Taguig.
Pag-aari ng estranged husband na si Victor Consunji ang tinitirhan ni Maggie sa kasalukuyan. Sa pahayag ni Maggie, ilang tao kasama ang VCDC Vice President Bernie Mendoza, “entered (her) home illegally with no notice, no warrant, and no proper paperwork.”
Saad naman ni Mendoza, ipa-padlock daw nila ang property dahil pag-aari ‘yon ng DMCI.
Ikinatakot ni Maggie ang nangyari sa kanya na ang tanging kapatid at batang pamangkin ang nasa bahay. Nasa ibang bansa si Maggie.
Saad pa ni Maggie sa pangyayari, “I’m scared for mine and my family’s safety.”
Wala pang sagot ang VCDC at DMCI sa pangyayaring ito. Trending sa Twitter ang hashtag na #MaggieWilson kahapon.
Cloe, tumodo ng ungol
Matapang sa hubarang bida ng Viva movie na Tahan na si Cloe Barreto.
Piyesta ang mahihilig sa bold films sa Tahan dahil hindi lang isa kundi dalawa, tatlo at apat ang kanyang kangkangan scene with matching pakita ng dibdib, huh!
Take note na todo ungol din si Cloe kaya biruan ng press na nanood sa special screening, puwede na siyang tawaging Ungol Queen, huh!
In fairness naman sa kuwento na sinulat ni Quinn Carillo, maayos n’yang nailahad ang kuwento ng isang mag-ina na namuhay sa prostitusyon at sa pagkakaroon ng split personality ni Cloe dahil sa mapait na karanasan noong bata pa.
Mula ito sa direksiyon ni Bobby Benedicto at kapag mabilis ang mata ng manonood, nagpasilip naman ng kanyang kargada ang baguhang si AJ Oteyza!
Magugustuhan ito ng manonod na mahilig sa sex and violence!
- Latest