^

Pang Movies

Eula, nasa GMA na ulit   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Eula, nasa GMA na ulit              
Eula

Happy to be back si seasoned actress Eula Valdez sa GMA Network, dahil sa upcoming Afternoon Prime series na Return to Paradise, na tatampukan nina Kapuso hunk Derrick Monasterio at new Kapuso star Elle Villanueva.

Hindi itinago ni Eula ang excitement niya sa mediacon ng serye: “Excited ako, si Derrick nakatrabaho ko na before sa GMA, at natanong ko nga kung kamag-anak siya ni Ms. Tina Monasterio. Mom pala niya. Si Elle, first time kong makakatrabaho, at open naman ako na makatrabaho ang mga nakababatang artista.

“At excited din ako to be back with GMA, kasi ang tagal na rin naman ng last series na ginawa ko sa kanila, and I would like to thank them. Swak ‘yung schedule ng paggawa ko ng bagong show dito, kumbaga fully charged na ako.”

Kasama rin sa cast sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, at Allen Dizon. Sa direksyon ni Don Michael Perez, malapit na itong mapanood sa GMA Afternoon Prime simula sa July 25.

Kylie, todo ang pasalamat

Sa patuloy na paghataw gabi-gabi ng ratings ng first sports serye ng GMA Network, ang Bolera, labis-labis ang pasasalamat ng bidang si Kylie Padilla sa netizens at televiewers sa mainit na suportang natatanggap nila.

Nasa ika-7th week na sila ngayon pero patuloy ang pagtaas ng rating ng bawat episode.

Inaabangan din ang Apoy Sa Langit after ng Eat Bulaga. Gigil na gigil na ang netizens sa mga kontrabidang sina Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin), sa mga kasinunga­lingan nilang ginagawa sa walang kalaban-labang mag-ina, sina Gemma (Maricel Laxa) at Ning (Mikee Quintos).

Sabi nga, ang kasamaang ginagawa natin sa kapwa tao, babalik din sa iyo.

Malapit na itong magwakas.

vuukle comment

EULA VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with