^

Pang Movies

Imelda, malakas ang ‘impluwensya’  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Imelda, malakas ang ‘impluwensya’               
Imelda

Magandang influence ang mga kaibigan. May kasabihang tell me who your friends are, and I will tell you who you are.

Ikaw, Salve A., feeling mo you have the right friends.

Na maganda ang influence sa iyo. Make sure you do. As I take you as a friend.

(Yes po tita. So lucky to have you as a friend. Salamat po sa lahat-lahat. Hehehe. Lab yah tita. - Salve).

Hindi man daw kilala ni Lolit Solis nang personal si former first lady Imelda Marcos, type niyang gawing influence ito. O, inspiras­yon.

Imagine nga naman, at 93, still hot copy pa rin siya.

Marami ang naniniwalang isa siya sa matinding dahilan kung bakit marami ang naeengganyong panoorin ang Maid In Malacañang.

May mga eksena siya sa movie na poised na poised pa.

No need to tell you that Maid in Malacañang was based sa buhay ng Marcoses ilang days nang bago sila umalis ng Malacañang pagkatapos ng snap election.

Si Ruffa Gutierrez ang gumanap ng kanyang role.

Now, of course, we all know na ang bagong Pangulo natin, si Presidente Bongbong Marcos, ay nag-iisang anak na lalaki ni Madame Imelda.

Sixty four years old si President Bongbong.

Naging Miss Manila si Madame Imelda Marcos bago siya napangasawa ni dating presidente Ferdinand Marcos, Sr.

Taller siya, little lang, kay former president Ferdinand Marcos, Sr. They were an ideal couple.

Although more of a mom si Imelda to their four children, Imee, Bongbong, Irene and Aimee.

VP Sara, hinihintay na ang gagawing pagbabago

Wait natin, Salve A., ang maraming pagbabago sa ating educational system, ngayong pumasok na sa Department of Education ang bagong head na si Sara Duterte, who is our elected Vice President din, no less.

Back to open classes, she said. And back din sa face-to-face classes among students. Plus, of course, teachers and students.

And vice versa.

Encourage students and teachers not to rely on textbooks alone.

Stimulate in them the importance, too, of rea­ding materials na lumalabas sa diyaryo at iba pang babasahin, nang malaman ang mga bagay-bagay na nangyayari sa kanyang paligid.

O, kung anong pagbabago ang posible mong maitulong i-implement.

As once suggested, in-encourage natin ang mga senior citizen na magpatuloy sa kanilang pag-aaral.

Hindi man balik klase, kundi sa patuloy na pagsubaybay sa mga pangyayari, iyon nga thru reading, patuloy na panonood ng TV at pakikisalamuha sa mga kaedad.

From each other, they may be able to learn new things, which may help their lives.

O, baka may matutuhan silang new things, na puwede nilang i-share sa isa’t isa, at makatulong para maging productive pa sila sa kanilang edad.

Matutong magburda, gumawa ng bags o whatever. Na hindi lang sila makikinabang, kundi pati mga bagong kakilala nila.

Na posibleng magbigay sa kanila ng added income.

Pwede, hindi ba, Salve A?

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with