^

Pang Movies

Ruffa, ayaw magkuwento tungkol sa Malacañang…  

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Forty-eight exactly, yesterday, June 24, si Ruffa Gutierrez.

The date happens to be Araw ng Maynila rin.

Kaya raw, tremendous ang feeling ng actress and former international beauty queen.

Nag-win si Ruffa ng second runner-up sa Miss World 1993.

Pero nothing daw can compare sa happiness na nararamdaman niya tuwing birthday niya these days.

Expecially raw she has her two children with her, Lorin at Venice (father, former husband, Yilmaz Bektas), age 18 and 17, respectively.

Na parehong kararating lang from Turkiye, where nakipag-bonding sa kanilang ama (Yilmaz) after 15 years.

Yes, that long hindi nagkita ang mag-aama since that period, binawalan ni Ruffa ang dalawang bata na makipag-bonding sa ama.

Happy birthday rin, Ruffa.

As we all know, ang Maid in Malacañang ang kasalukuyang pinagkakaabalahan ni Ruffa, where she reportedly plays the former first lady, Imelda Marcos.

Tungkol daw ito sa last few days ng Marcoses sa Malacañang bago nag-martial law.

Sayang at ayaw ni Ruffa magkuwento sa mga nangyayari sa shooting. Bagama’t may poster na ito, at prominent si Ruffa.

Na pagkaganda-ganda.

Si Cesar Montano ang gumaganap na President Ferdinand Marcos Sr.

Si Diego Loyzaga si Bongbong Marcos, currently the newly elected President.

Junior si Bongbong sa kanyang ama.

Produced by Viva Films and directed by Darryl Yap, the three maids are performed by Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo at Karla Estrada.

Zanjoe, sobra ang bilib kay Jodi

Zanjoe Marudo still has to say tremendous things about The Broken Marriage Vow, which just had its finale night June 24.

Iba raw talaga kapag ang kasama mo sa project ay magagaling na performers, foremost si Jodi Sta. Maria, who plays his leading lady.

Napakagaling daw nitong artista, bukod sa mahusay makisama.

Wala ka raw marinig na reklamo sa aktres, kahit na alam ng mga kasamahan niya ay hirap ito sa ilang eksena.

May semblance nga kasi ng buhay pag-ibig ni Jodi sa tunay na buhay ang role niya.

It’s an open book na hiwalay si Jodi sa asawa at may isa siyang anak.

Richard Yap, Naudlot ang paglayas sa showbiz

Busy to the max si Carmina Villarroel, as she is now cast in a project right after Widows’ Web.

This time she stars in Abot Kamay ang Pangarap with Richard Yap as her leading man.

Talunan si Richard sa katatapos na election where he ran for a Cebu City North District seat.

Nangako pa naman siya to totally quit showbiz kapag nanalo raw siya.

Well, Richard, malapit na ang susunod na election, 2025.

Puwede ka nang tumakbo muli.

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with