^

Pang Movies

Michelle updated sa mga ganap sa showbiz, anak na si Ysabelle abala sa Voltes V

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Michelle updated sa mga ganap sa showbiz, anak na si Ysabelle abala sa Voltes V

Isa sa mga solid fan ng Take It...Take It, Me Ganon si Michelle Ortega.

Talagang every week, ito ang libangan niya kaya alam na alam niya ang mga  happening sa show natin, Salve.

Nakakatuwa naman iyong suporta na ibinibigay niya sa atin.

Mabait ang Ortega family, sila Robert at Michelle, at ngayon na nasa showbiz na rin si Ysabelle Ortega na isa sa Sparkle talents talagang mapi-feel mo na gusto nila ang showbiz.

Anyway, sana nga ay maging daan ang Voltes V para maging malaking star si Ysabelle dahil maganda at talented ang bata.

Isa ang Ortega family sa mga mababait na tao na nakilala ko.

Vilma inaapela ring maging National Artist

Pati sa pagiging National Artist talagang may Vilma Santos/Nora Aunor rivalry pa rin. Talagang inaapela ng Vilmanians na bigyan din ng National Artist award si Vilma, pagkatapos bigyan si Nora.

Palagay ko dapat lang, dahil nakita mo iyon growth ni Vilma bilang isang artista, politician, at malaking karangalan siya para sa mga kapwa niya na taga-industriya.

Iyon nagawang tumawid ni Vilma mula sa pagiging young star hanggang maging kilalang pulitiko, isang bagay na talagang kahanga-hanga.

Iyon respeto sa kanya bilang isang artista hindi nawala, kaya kung karapat-dapat maging isang National Artist ni Nora, dapat lang talaga na bigyan parangal din si Vilma.

Lalo pa nga ngayon na iniwan niya ang pulitika na napakabango ng pangalan niya dahil sa mga naging achievement niya.

vuukle comment

MICHELLE ORTEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with