Herlene at Joseph, naghalikan na!
Nakunan na raw ang kissing scene ni Herlene “Hipon Girl” Budol at ni Joseph Marco sa online series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask. Si Joseph ang pinalit sa original leading man ni Hipon na si Kit Thompson.
Ayon kay Marco, ang kissing scene nila ni Hipon ang isa sa highlight ng naturang series. “It was great! I can hardly wait for the viewers to see it. It will be a treat!,” sey ni Joseph.
Ikinatuwa ni Marco na nakasama sa ganitong series dahil ang tagal din daw niyang nasa FPJ’s Ang Probinsyano na action-drama. Ngayon lang daw siya ngumiti nang husto sa isang series dahil sobrang seryoso raw sa FPJAP.
“Wala kasing tumatawa dun, lahat serious. Now I can flex my smile. It’s also a blessing that I was able to do this intriguing project I’ve been on lock-in shoot sa Ang Probinsyano since October and I’m glad pumasok sa schedule,” ngiti pa ni Joseph.
Feeling lucky naman daw si Hipon Girl dahil makakasama niya sa 13 episodes si Joseph Marco na bukod sa guwapo at macho, ang bait din daw at mabango.
Ang 13-episode series ay produced ng filmmaker na si Chris Cahilig with Puregold and directed by Victor Villanueva. The digital series can be viewed on YouTube Puregold Channel every Saturday, 6 p.m., beginning June 11.
Jon, bawal sa maseselang eksena
Kinuwento ng Kapuso hunk na si Jon Lucas na minsan nang nagselos ang kanyang misis sa nakahalikan niyang babae sa isang music video.
Simula raw noong mag-asawa si Jon, hindi raw siya tumatanggap ng project na kailangan niyang magkaroon ng bed scene o anumang intimate scene with the opposite sex.
‘Yung ginawang MTV ni Jon ay kailangan daw na may light kiss sa babae kaya ginawa niya ito. ‘Di niya akalain na makakarating ito sa kanyang misis. “Medyo nanibago lang naman si misis. Kumbaga nagulat, siyempre hindi naman siya sanay na ganun. Sabi niya, ‘Hala ba’t ka pumayag sa ganun,?’ Sabi ko kailangan talaga sa music video. Ito talaga ‘yung hinihingi ng director, ng producer,” paliwanag ni Jon na tinanggap naman ng kanyang misis.
Bago umano opisyal na ipalabas sa TV o Youtube ang MTV, humingi umano si Jon ng raw video ng MTV at ipinapanood niya sa asawa.
Nagpapasalamat ang aktor sa mga patuloy na sumusubaybay sa First Lady. Namatay na kasi ang character niyang si Titus, ang inuutusan ni Senator Alegre (Isabel Rivas) para i-assassinate sina President Glen Acosta (Gabby Concepcion) at Ingrid (Alice Dixson).
Pitch Perfect star na si Rebel Wilson, proud sa karelasyong kabaro
Out and proud ang Australian comedian na si Rebel Wilson ngayong Pride Month.
Pinakilala na ng Pitch Perfect star ang taong nagpapasaya ng kanyang puso. Ito ay ang kanyang girlfriend na si Ramona Agruma.
Ginulat nga ni Wilson ang kanyang followers sa Instagram nang i-post niya na isang babae pala ang karelasyon niya.
“I thought I was searching for a Disney Prince… but maybe what I really needed all this time was a Disney Princess #loveislove,” caption pa niya.
Ayon sa isang friend ni Rebel, masayang-masaya raw ito ngayon sa kanyang pag-reveal sa kanyang girlfriend: “Rebel’s in an amazing place and I’ve never seen her happier.”
Na-meet daw ni Rebel si Ramona through a friend. Tinago raw muna ng komedyante na partner na niya ito at ni-reveal lang sa tamang panahon.
“We spoke on the phone for weeks before meeting. And that was a really good way to get to know each other. It was a bit old-school in that sense — very romantic. I think going through the process of finding more self-worth, I think that what you want in a partner is elevated and so it’s great to have someone who feels like an equal partner and be in a healthy relationship. So it feels different to be in a really healthy relationship.”
Noong 2020 ang huling karelasyon ni Rebel na si Jacob Busch. Pero four months lang daw inabot ang relasyon at naghiwalay sila noong February 2021.
Ang girlfriend ni Wilson na si Ramona ay isang fashion designer at brand ambassador ng isang sikat na jewelry line na Bee Goddess.
- Latest