^

Pang Movies

BINI at BGYO, makakasama ang red velvet sa benefit show

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy lang sa pagpapakita ng talentong Pinoy ang P-Pop groups na BINI at BGYO na parehong magpe-perform sa Be You benefit show na gagana­pin sa Mall of Asia Arena sa Hulyo 22 (Biyernes).

Mapapanood sa event na inilarawan bilang kakaibang selebrasyon para sa mga taong may special needs sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ng BINI at Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ng BGYO.

Handog ng In Purpose International Training Institute Inc. (IPITI) ang Be You: The World Will Adjust kung saan mapapanood din ang sikat na K-Pop girl group na Red Velvet at iba pang local artists. Wala pang detalye kung paano makakakuha ng ticket para sa event.

Isang linggo bago ang Be You event, mapapanood din ang BINI at BGYO kasama ang iba pang P-pop groups sa inaabangang Tugatog Filipino Music Festival na gaganapin din si MOA Arena sa darating na Hulyo 15 (Biyernes).

Samantala, handog ng BINI ang bagong YouTube series na BINI Roadtrip Adventures na mapapanood na sa BINI Official YouTube channel simula Mayo 19, 8PM. Tampok sa palabas ang BINI members na iikot at magpapakilala sa iba’t ibang lugar sa bansa gaya ng Binondo, Intramuros, Luneta, at National Museum sa Maynila, Pateros, Marikina, at Baguio habang nagfu-food trip, gumagawa ng challenges, at nagpe-perform.

Naging busy rin ang BGYO na nag-perform sa mall show para sa He’s Into Her season 2, kung saan inawit nila ang theme song na Best Time.

vuukle comment

BENEFIT SHOW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with