Alice pinaalalang 10 years pinagdasal ang kanyang baby
Hindi nagpaghuli si Alice Dixson sa celebrities na nagpo-pose ng kanilang summer-ready beach bodies.
Sa kanyang Instagram, pinost ng former Bb. Pilipinas-International 1986 suot ang bikini bottom at loose shirt kung saan kita pa rin ang well-toned body niya sa edad na 52.
Caption pa niya: “50 shades of tan. Nasa shade 25 na ako hihi.”
Dahil tapos na ang taping ng First Lady, nagbakasyon si Alice sa beach kasama ang kanyang baby girl na si Aura. Pinost niya ang isang short video ni Baby Aura habang nakatayo ito sa tubig at may baby shark na lumalangoy.
Caption pa niya: “babies mouths are too small to bite...”
Laging nagpapasalamat si Alice sa pagdating ni Baby Aura sa buhay niya.
Sampung taon daw niyang pinagdasal na magkaroon ng baby at noong 2021 ay sinilang si Baby Aura sa pamamagitan ng surrogacy.
“For those of you who really know me - you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year - my wish the same when I blew out my candles,” sey pa ni Alice.
Spinoff ng 70s Show, tuloy na tuloy
Tuloy na ang spinoff ng comedy series na That ‘70s Show sa Netflix at ang title na nito ay That ‘90s Show.
Magbabalik ang limang original cast na sina Topher Grace, Mila Kunis, Ashton Kutcher, Laura Prepon at Wilmer Valderrama. Ang hindi lang magbabalik ay si Danny Masterston dahil nahaharap ito sa kasong three counts of rape at naka-set na ang trial date nito.
Ayon sa The Hollywood Reporter, ang magiging kuwento ng That ’90s Show ay magaganap sa taong 1995 kung saan ang anak nina Eric (Topher Grace) at Donna (Laura Prepon) na si Leia ay bibisita sa grandparents nito sa Point Place for the duration of summer. Doon malalaman ni Leia ang maraming kuwento tungkol sa love story ng kanyang parents at sa mga naging barkada nito.
Umere noong 1998 hanggang 2006 ang hit comedy na That ‘70s Show na tungkol sa buhay ng anim na teenagers na nakatira sa fictional neighborhood called Point Place, Wisconsin during the years 1976 to 1979.
- Latest