‘Kaba’ singer na si Totsie, bongga ang buhay sa Amerika
Isa ang L.A.-based singer-actress na si Tootsie Guevarra (41) ang aming nabisita sa kanilang magarang tahanan kung saan kasama nito ang kanyang second husband, ang Italian-American businessman na si Mike Monaco, their nine-year-old son na si Matthew at ang kanyang ina na si Mommy Tess Pinga. Wala roon ang kanyang 16-year-old son sa kanyang ex-husband.
Maganda ang buhay sa Amerika ni Tootsie who works as Marketing Manager sa isang kumpanya na may kinalaman sa health care service industry. Maganda rin ang kita ng kanyang businessman husband na si Mike na napakabait. Ang mag-asawa ay nag-prepare ng aming late steak dinner dahil nanggaling pa kami nina Rhy Deles at David sa bahay nina Anjanette Abayari in Corona, California.
Nakita namin kung gaano kaganda ang buhay si Tootsie sa Amerika. She has a loving, caring, supportive and responsible husband na madaling makipagkaibigan sa mga Filipino friends ng kanyang celebrity wife tulad namin.
Actually, second meeting na namin ni Mike na una naming nakilala nung 2017 nang pumunta silang mag-asawa sa bahay ng yumaong businessman at concert producer na si Alfonso Chu.
Tootsie is known for her hit songs na Kaba, Dahil sa Pag-ibig, Sabi Na Nga Ba, Pasulyap-Sulyap, Pangko sa `Yo among others. Naging miyembro rin siya ng youth-oriented program ng yumaong Master Showman at star builder na si German `Kuya Germs’ Moreno, ang That’s Entertainment ng GMA. She has recorded five albumes under Sunshine Records and Star Music.
Hindi ikinakaila ng singer-actress na nami-miss niya ang showbiz sa Pilipinas pero hindi naman siya nagsisisi na siya’y nag-relocate na sa Amerika.
“Singing will always be my first love,” aniya.
Kahit sa Amerika ay kumakanta pa rin si Tootsie sa iba’t ibang shows, concerts and events.
Kung tutuusin, puwedeng hindi magtrabaho si Tootsie dahil kaya naman silang i-provide ng kanyang mister na si Mike, pero gusto rin ng singer-actress na maging busy kaysa sa bahay lamang siya. Thankful naman siya na naroon ang kanyang ina na siyang nag-aalaga sa kanyang two boys, although hindi na sila alagain ngayon.
Abo ni Gloria Sevilla, iniuwi sa Pilipinas
Nasa Eastvale, California pa kami nang mabalitaan namin ang pagyao ng veteran actress na si Gloria Sevilla na sumakabilang buhay sa kanyang pagtulog nung nakaraang April 16 ganap na alas-11 ng umaga sa bahay ng isa sa kanyang mga anak na si Jojo sa Oakland, California.
Tinaguriang Queen of Visayan Movies, ang kanyang mga abo ay dinala sa Pilipinas kung saan ito nagkaroon ng viewing for their relatives and friends in showbiz bago ito dalhin sa kanyang huling hantungan sa Loyola Memorial Park in Marikina kung saan din nakalibing ang mister nitong actor-diplomat na si Amado Cortez.
Naiwan ni Gloria ang kanyang pitong anak na sina Lilibeth, Archie (Mat Ranillo), Suzette, Jojo, Dandin at Juni Ranillo, ang kanyang children in-laws at 14 na grandchildren.
Sa pamamagitan ni Dandin, nagpaabot ito na pasasalamat sa lahat ng mga nakiramay at nagdasal sa pagyao ng kanilang ina.
Samantala, maganda ang buhay sa Amerika ng isa sa mga apo ni Gloria, ang (dating) actress na si Krista Ranillo, panganay na anak ng mag-asawang Mat Ranillo III at misis nitong si Linda Tupaz. Krista is married to a Filipino-Chinese businessman na si Nino Lim na siyang nagma-may-ari ng chain ng Filipino supermarkets in California at Las Vegas, Nevada, ang Island Pacific kung saan ngayon nagta-trabaho sina Donita Rose at G Tongi.
Nang mag-asawa si Krista ay tuluyan na niyang tinalikuran ang kanyang showbiz career sa Pilipinas.
- Latest