Shayne, natigalgal sa title na prime drama princess
Nabigla si Shayne Sava, ang StarStruck 7 Ultimate Female Survivor, nang sa zoom mediacon ng upcoming GMA Afternoon Prime Drama series na Raising Mamay, ay she was introduced as GMA’s Afternoon Prime Drama Princess. Hindi raw siya makapaniwala sa narinig niya. In fairness naman kasi kay Shayne, mukhang pagiging dramatic actress ang magiging forte niya. Bale second serye pa lamang niya ito, una ang Legal Wives, pero doon pa man, hinangaan na ang pag-arte niya. At ngayon nga ay binigyan siya ng mas malaking role na gagampanan, at kasama pa niya ang isang mahusay na comedianne at actress, si Ms. AiAi delas Alas.
Para kay AiAi, ito na ang most challenging role na ginampanan niya, physically, emotionally and mentally draining. Ganoon din ang naramdaman ni Shayne, kaya pareho silang nag-consult sa psychiatrist and neurologist at nagkaroon din sila ng immersion program para magampanan nila nang maayos ang kani-kanilang role.
Ang Raising Mamay ang siyang papalit sa Little Princess simula sa April 25, 3:15 p.m.
Dingdong, thankful
Thankful si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes dahil ilang weeks pa lamang napapanood araw-araw ang Family Feud PH, ay nagri-rate na sila dahil bukod sa umaapaw na papremyo nilang ipinamimigay, umaapaw rin ang saya. Kapag pinapanood mo nga raw mag-host si Dingdong, matatawa ka dahil siya pa ang unang tumatawa sa mga tanong na binabasa niya. Kaya hindi kataka-taka kung ang Family Feud YouTube channel ay magkakaroon na ng silver play button.
No problem naman kay Dingdong kung magkakaroon sila ng wifey niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ng bagong show na matagal nang hinihintay ng kanilang fans and followers, dahil ang sitcom nilang Jose and Maria’s Bonggang Villa, ay every Saturday lamang naman mapapanood, simula sa May 14, pagkatapos ng Pepito Manaloto, sa GMA 7.
Alden, itutuloy ang panata
Tuluy-tuloy ang taping nina Bea Alonzo at Alden Richards ng first team-up nila sa GMA Network, ang Start-Up, na Philippine adaptation ng top rating Korean drama series. Ngayong Wednesday ang last taping day nila this week in observance of the Holy Week, at sa Monday, April 18, na sila magri-resume.
Sa kanyang farm sa Iba, Zambales magpapalipas ng Holy week si Bea, si Alden naman ay itutuloy niya ang panata niya tuwing Semana Santa sa kanila sa Sta. Rosa, Laguna.
Sa ngayon ay sa Metro Manila pala muna ang taping nila, pero may scenes silang kukunan out-of-town at malamang lock-in taping nila roon.
Ang Start-Up ay under the direction of directors Jerry Sineneng at Dominic Zapata.
- Latest