American singer-songwriter na si Jim Brickman, inalok ng collab sina Sarah at Matteo
Ang bongga naman nu’ng pag-offer ng American singer-songwriter na si Jim Brickman ng collaboration sa mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.
Ipinahayag ng sikat na singer-songwriter-pianist ang kanyang imbitasyon sa Twitter last March 23.
Tweet ni Brickman, “@mateoguidicelli Collab?” at sinundan ng “and @JustSarahG of course.”
Ini-retweet din niya ang video ng duet nina Sarah at Matteo na kumakanta ng Destiny, isa sa mga awiting pinasikat niya at tila dito nga siya nagkaroon ng ideya na makipag-collab sa mag-asawa.
Dahil nga naka-tag silang mag-asawa ay nabasa agad ito ni Matteo at kaagad din niyang sinagot.
“It would be great! An honor!” reply ni Mateo.
Muling sumagot si Brickman at aniya, “DM me and let’s get something set up!”
May nag-comment na isang fan ng “I hope you also consider a solo song for Sarah G.”
Sagot naman ng singer, “yes! Gorgeous voice.”
Sobrang na-excite naman ang mga AshMatts at Popsters at lahat sila’y nag-request na i-push ang plano.
“Make this happen please,” ang pakiusap nila.
Well, abangan ang mga susunod na pangyayari.
Palaban sa bashers
Walang pakialam si Pokwang kung mawalan man siya ng followers dahil sa pagsuporta niya kay Vice President Leni Robredo.
Kahapon sa Twitter ay ipinahayag niyang hindi siya takot mawalan ng followers.
Isa rin kasi ang komedyana sa mga KakamPink celebrities na ayaw tantanan ng bashers. Binabanatan sila ng supporters naman ng ibang Presidentiables kabilang na nga ang supporters ni Bongbong Marcos.
- Latest