^

Pang Movies

Dalawang male personality na beki, naging mag-BFF pagkatapos magtikiman

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

BFF (best friend forever) na ang dalawang male personality na kapwa bading.

Never naman naging magkaaway ang dalawang male personality. ‘Yun nga lang, ‘yung isa sa kanila eh paminta (acting lalaki) nu’ng nagsisimula pa lang sa showbiz.

Nataypan ni bading A si bading B. Guwapo kasi si bading B at nahiwagaan sa pagiging tahimik.

Kinaibigan ni bading B si bading A hanggang sa may nangyari sa kanila. Wa pa knows si bading A na beki rin ang nahada niya.

Hanggang sa nag-out na nga si bading B. Nagulat man si bading A, hindi naman naging problema at nang kalaunan ay naging buddy-buddy sila, huh!

In fact, pinahihiram pa minsan ni bading B ng gamit niya sa bading A. Mabuti na lang at magkaiba sila ng type na lalaki kaya walang isyu sa kanila ang pinapatulan nila!

MV ng Calista, ginastusan

Nakakalula naman ang gastos sa paggawa ng music video ng all-female group na Calista. Ini-launch ng Calista ang music video sa isang yayamaning hotel sa Cubao. Sa music video, kinunan ito sa Asian Aerospace airplane hangar sa Pasay, roof top ng isang hotel sa Makati at Clark International Speedway sa Pampanga.

Race Car ang title ng kanta ng Calista na sinamahan pa ng helicopter at sports car. Binubuo ang grupo nina Olive, Laiza, Anne, Denise, Elle at Dain ang Calista na dream group ni Tyrone Escalante ng TEAM management. Hinubog silang lahat bilang preparasyon sa kanilang Vax To Normal concert sa Araneta Coliseum sa April 26, 2022 kasama sina Yeng Cons­tantino, Darren Espanto, AC Bonifacio, Elmo Magalona, Andrea Brilliantes at Ken San Jose. Produced ito ng Merlion Events Productions, Inc.

vuukle comment

MUSIC VIDEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with