Faith walang pag-asa... Albert, ‘di pa rin kayang ma-in love sa iba
Pinusuan ng netizens ang interview ni Dr. Vicki Belo kay Albert Martinez sa vlog nito na in-upload noong Feb. 24 tungkol sa namayapang asawa na si Liezl Sumilang-Martinez. May nag-comment nga na kung siya si Liezl, kahit nasa kabilang buhay na siya, kikiligin pa rin siya sa sinabi ni Albert.
Inamin ni Albert kay Dr. Vicki na ‘yun na hindi pa rin siya sanay mag-isa kahit six years na mula nang mawala si Liezl. “I have to move on and pick up the pieces again and I have to struggle again because nga I lost so much. I was really a financial disaster. But more than anything, I’m not used to being alone.”
Kuwento ni Albert, si Liezl ang nag-aasikaso lahat sa bahay at siya ang provider ng kanilang pamilya. “Kasi, I’m the working side. Liezl is the one who takes care of everything... the house, the kids, everything. So, I don’t do anything at home. She just fixed everything for me,” sabi pa ni Albert.
Natanong ni Dr. Vicki si Albert sa estado ng kanyang love life at sa sagot nitong sa kanyang mga anak at apo ang kanyang focus para makabawi noong mga panahong hindi niya nakakasama ang mga anak dahil busy siya sa trabaho, na parang wala siyang planong magka-love life uli.
Walang chance ang mga kinilig noon kina Albert at Faith da Silva na magkaroon ng relasyon ang dalawa sa sagot ni Albert.
Natanong din ni Dr. Vicki si Albert kung hindi ba siya naa-attract sa ibang babae at kung may mga nagpaparamdam ba sa kanya? “It’s a normal ano siguro... normal process but I don’t go through with it. Because, parang I’m not ready yet. Liezl’s shoe is very hard to fill. She’s the kindest, smartest person I’ve met. We’re really good friends and she really took good care of me.
“I believe it’s the deep love that’s involved. I don’t know if you believe in soulmates. I believe she’s my soulmate,” pahayag ni Albert.
Hiwalayan nina EA at Shaira, fake news
Hindi naman pala totoong nag-break sina Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz, gaya ng nabalita. Nag-text si EA sa isang reporter para linawin ang fake news, “Not true po sobrang happy po namin sa isa’t isa,” sabi ni EA.
Busy lang pareho ang magdyowa at nasa lock-in taping pa si Shaira ng Lolong na sa March pa raw magtatapos, kaya kahit puwede na silang magkita ni EA, hindi puwede. Noong si Shaira ang may free time, si EA naman ang nasa lock-in taping ng Widows’ Web, hindi magswak ang kanilang schedule.
And speaking of EA, this Monday na, 8:50 p.m., ang world premiere ng Widows’ Web sa GMA 7. Gagampanan ni EA ang role at karakter ni Frank Querobin na magiging fall guy sa pagkamatay ni Alexander Sagrado (Ryan Eigenmann). Boyfriend at magiging asawa niya si Pauline Mendoza bilang si Elaine Inocencio.
next to alden...
Anne, may docu concert din!
After Alden Richards, si Anne Curtis naman ang magkakaroon ng documentary concert billed LuvANNE slated on April 30, 8:00 p.m. via KTX at VivaMaxPlus. Magsisilbing comeback na rin ito ni Anne na matagal ding nagpahinga dahil nagbuntis at nanganak.
“A very special docu-c%#^*rt for everyone I LUV! Join me as I share bits and pieces of my life in the past two years. Plus! I just might have some surprise fierce, fun and fab performances! G? LuvANNE na LuvANNE na ! I’m vack mga vaaaacks!!! Luv-Anne!”
Solenn, pamatay ang takong sa Milan Fashion Week
By this time, nakabalik na si Solenn Heussaff mula sa pagdalo sa Milan Fashion Week kasama si Dr. Vicki Belo. Pinasalamatan nito si Dr. Vicki for a memorable trip “and letting me witness how kind hearted you are. Loved being around you these last few days.”
Kabilang din sa pinasalamatan ni Solenn ang stylist na si Pam Quinones at ang styling studio na Qurator for helping her daw with her looks lalo’t nakalimutan na raw niyang magbihis dahil nga nagkaanak.
Iba’t ibang looks at OOTD rin ang inirampa ni Solenn sa Milan Fashion Week at ikinaloka ng netizens ang suot na sapatos na sobrang taas ng takong. Kinumusta nila ang mga paa at binti ni Solenn after a few hours na suot ang killer shoes.
- Latest