^

Pang Movies

Toni Rose at Inang si Rosa Rosal, hindi na lumalabas ng bahay!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Toni Rose at Inang si Rosa Rosal, hindi na lumalabas ng bahay!

Kumusta na kaya ngayon ang mag-inang Rosa Rosal at kaisa-isa nitong anak, ang dating TV host-actress na si Toni Rose Gayda?

Ang dating LVN star at movie icon at dating governor ng Philippine Red Cross na si Rosa Rosal who is Florence Lansang Danon-Gayda sa tunay na buhay ay 93 years old na turning 94 on Oct. 16. Parati na lamang itong nasa loob ng kanyang kuwarto kasama ang kanyang caregiver at kaisa-isang anak, ang dating Camay Girl-turned TV host-actress na si Toni Rose  now 63 years old.

Matagal-tagal na ring walang balita sa mag-inang Rosa Rosal at Toni Rose matapos magretiro sa Philippine Red Cross ang veteran actress gayundin si Toni Rose sa pagi­ging TV host.

Ang pandemic ang nagtulak sa mag-ina na maglagi na lamang sa loob ng kanilang tinitirahang condo unit in Wack-Wack, Mandaluyong.

Halos walang nakakaalam na matindi ang pinagdaanan at pinagdaraanan pa ng dating sikat na TV host na si Toni Rose na matagal nang hiwalay sa kanyang businessman ex-husband na si Moonie Lim. Ang dating mag-asawa ay nagkaroon ng dalawang anak na parehong lalaki, sina James at John Lim na parehong lumaki sa pangangalaga ni Toni at ng kanyang inang si Rosa Rosal.

Sa hindi inaasahang pangyayari, Toni and her ex-husband lost James in a freak accident nang ito’y mahulog mula sa ika-4th floor veranda ng kanilang condo in Wack-Wack, Mandaluyong. The ex-couple issued an statement that it was an accident at hindi suicide na siyang lumabas sa ibang balita. Ito’y nangyari nung March 19, 2010 at 27 lang noon ang anak nilang si James na full of life nung ito’y nabubuhay pa.

Ang isa namang anak nina Toni Rose at Moonie ay may severe illness din. Two years ago, John moved to his dad’s house kaya naiwan si Toni Rose, her mom Rosa Rosal and a caregiver all by themselves. Ang masaklap, hindi man lamang nakikita at nakakausap ni Toni Rose ang kanyang anak magmula nang ito’y lumipat sa poder ng kanyang ama dahil hanggang ngayon ay hindi in good terms ang dating mag-asawa.

Hindi humihinto si Toni Rose sa pagdarasal na sana’y huwag ipagdamot sa kanya ng kanyang dating mister ang kanilang anak na may sakit na hinana-hanap din ng kanyang lola na si Rosa Rosal.

Umaasa ang dating TV host na sana’y buksan ng kanyang dating mister ang kanyang puso na makita at makausap man lamang niya ang kanilang anak na si John lalupa’t may sakit ito ngayon.

Sa mga bagong henerasyon ngayon, hindi nila gaanong kilala kung sino si Toni Rose Gayda na nagtataglay ng napakagandang mukha nung kanyang kabataan at kapanahunan.

Si Toni Rose ay unang nakilala sa pamamagitan ng kanyang Camay Girl TV commercial na siya niyang naging pasaporte sa kanyang pagpasok sa showbiz, particularly sa telebisyon bilang TV host. Naging TV host siya ng dating noontime show ng GMA, ang Lunch Date na tumagal sa ere ng siyam na taon. Naging isa rin siya sa mga co-host ng top-rating and long-running noontime show na Eat Bulaga. 

Kung mabibigyan umano siya ng pagkakataon, gustong balikan ni Toni Rose ang paghu-host either sa radio o telebisyon at pagiging voiceover talent na ginagawa umano niya noon.

Wilma, tuloy na ang pagpapakasal

Sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong anak sa magkakaibang ama, muling nakatagpo ng bagong mamahalin ang model-actress-comedienne na si Wilma Doesn’t sa katauhan ng kanyang non-showbiz fiancé at matagal nang karelasyon na si Gerick Livelo Parin.

Pinaghahandaan na rin ng couple ang kanilang nalalapit na pag-iisang-dibdib kung saan tiyak na may participation ang tatlong anak ng model-actress na sina Asiana, Emilia Svetlana at Araion.

July 2021 nang ibahagi ni Wilma ang engagement nila ng kanyang non-showbiz fiancé.

Hindi man nagtagumpay ang relasyon ni Wilma sa mga ama ng kanyang mga anak, umaasa siya na ang relasyon nila ni Gerick at pang-forever na.

vuukle comment

TONI ROSE GAYDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with