^

Pang Movies

Sen. Bong, pumogi sa piling ng beauty queens   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sen. Bong, pumogi sa piling ng beauty queens                

Puring-puri ni Sen. Bong Revilla ang tatlong former beauty queens na co-stars niya sa Agimat ng Agila 2 na sina MJ Lastimosa, Michelle Dee at ang lea­ding lady niya na si Rabiya Mateo.

“Lahat sila magagaling. Pinakita nila ‘yung talento ng bawat isa sa bawat pag-portray nila sa kanilang characters, sa bawat role na ginawa nila. Talagang napabilib nila ako,” pahayag ni Sen. Bong sa ginanap na virtual mediacon last Monday.

Patuloy niya, “katulad ni Miss Rabiya, bago pa lang siyang artista pero pinakita niya na natural na natural ang acting niya. Si Michelle, talagang iba ‘yung pagka-snake niya. Ang galing, ang galing. Talagang pinabilib niya ako noon pa man sa Book 1. Si MJ, ganu’n din, ang galing umarte, natural na natural.

“Sabi ko, parang hindi mga beauty queen ito, para talagang mga artista. Talagang saludo ako sa kanilang tatlo.”

When asked kung ano ang mga nadiskubre niya kay Rabiya na kanyang lea­ding lady, ayon sa aktor/pulitiko ay mukhang magiging maganda raw ang future nito sa showbiz.

“Katulad ng nakita ko kay Sanya Lopez (his original leading lady sa series) sa tingin ko, malayo ang mararating pa niya when it comes to acting. Magaling na artista,” he said.

Ikinatuwa rin niya na tulad ni Sanya ay may chemistry rin sila ni Rabiya.

“Nakita ko nandu’n ang chemistry at sana, ganu’n nga ang dating sa mga viewers natin,” sambit pa ni Sen. Bong.

Proud ang happy rin ang aktor/pulitiko sa magagandang feedback ng kanyang weekly series at ang komento nga ng lahat, parang pelikula ang pagkakagawa nito.

“Nagpapasalamat ako sa GMA, all-out support talaga sila sa lahat ng Agimat ng Agila projects, book 1 and book 2. Salamat sa tiwala ng GMA at sana, ‘yung mga darating pa nating projects,” aniya.

When asked kung ano ang pakiramdam na napapaligiran siya ng beauty queens, sambit ni Sen, “ang feeling ko, parang ang pogi-pogi ko,” sabay-tawa.

“Nakakatuwa na magagaling na artista ang kasama ko,” dagdag pa niya.

Mula sa direksyon ni Rico Gutierrez, napapanood ang Agimat ng Agila 2 every Saturday, 7:15 p.m.

Rabiya, Michelle at MJ, ‘di pa ready sa hubaran

Sa nasabing mediacon ay natanong sina Rabiya, Michelle and MJ kung open din ba sila sa sexy roles since marami na sa ating mga dating beauty queens ang sumabak na sa pagpapasexy.

Diretsahang sinabi ni Rabiya na hindi siya ready sa mga ganitong klaseng role sa ngayon. “For me, hindi siya possible. It’s because I just won Miss Universe-Philippines and it takes a lot of years po siguro. And I also consider ‘yung audience ko po. Usually po kasi ‘yung mga fans ko ay bata. So, siguro, kailangan kong dahan-dahanin ‘yung image ko,” she said.

Bukod dito ay hindi raw siya papayagan ng kanyang ina. “Ikino-consider ko rin po ‘yung mom ko. Mayroong restrictions siya, mayroon siyang rules kung hanggang saan ba talaga ako.

“And sayang din. I won’t commit myself to a role kung hindi ako 100% ready to that. Kasi, sayang din ‘yung efforts ng writers, ng production. So, siguro, it’s safe to say na in the coming 3 years, hindi po muna ako gagawa ng anything sexy siguro. Hindi po ako tatanggap ng sexy,” deklara ni Miss Universe-Philippines 2020.

Ayon naman kay Michelle, as long as kailangan talaga sa story at kung right vehicle naman ay pwede niyang i-consider.

Same with MJ, depende rin daw sa story at kung kumportable kang gawin ito.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with