ABS-CBN nagsalita sa paglayas ni Toni, Direk Erik, Dawn Chang, ‘di napigilan ang galit!
Nagbigay ng pahayag ang ABS-CBN sa paglayas ni Toni Gonzaga-Soriano pagkatapos ng 16 na taon ng pagiging main host nito ng Pinoy Big Brother.
“Pinapahalagahan namin si Toni bilang mahusay na program host na nagserbisyo sa mga Pilipino kasama namin bilang Kapamilya.
“Tinatanggap namin ang desisyon niyang magresign sa Pinoy Big Brother at iginagalang namin ang kanyang personal choices,” ang buong statement ng ABS-CBN kahapon.
Pero kung nagpapasalamat sila, iba naman ang naramdaman ng dating PBB housemate na si Dawn Chang. Aniya sa kanyang post : I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga. Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?
“As a former PBB housemate, alam kong magtatampo nyan si Kuya,” bahagi ng post niya na nang i-check namin ay may 40,000 shares at 90,000 comments na.
Maging si Direk Erik Matti ay maanghang din ang mga sinabi sa dating PBB host na unbothered sa mga kritisismo sa kanya.
“I cannot fathom anyone, who have access to the same historical facts from our books and Youtube like everyone else, can still have the gall to hold their head so high to the point of being so arrogant and obnoxious to brush away critics and dissenters even acknowledging and flaunting it with such an insensitive hashtag,” pahayag nito sa kanyang social media account.
“To give your support to any political candidate whether or not out of affinity, blood or loyalty is between you and your conscience,” dagdag pa ng direktor.
Hanggang kahapon ay pinag-uusapan sa social media ang ginawa ni Toni sa proclamation rally ng UniTeam.
- Latest