^

Pang Movies

Trina, naka-move on kay Carlo  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Trina, naka-move on kay Carlo               

Ang latest development na inilabas naman ni Trina Candaza sa kanyang social media account, nakalipat na siya ng bahay, kasama ang kanyang anak.

Definitely desidido na siyang makipaghiwalay sa tatay ng anak niya, si Carlo Aquino.

Sa nauna niyang post, sinabi nga niyang malalalaman mo nga lang ang pagpapahalaga sa iyo, batay sa magiging reaskiyon ng boyfriend mo pag natapos ang inyong relasyon. Kung may napuntahan daw agad ibang babae, huwag mo nang asahan na magbabago pa iyan.

Wala naman siyang sinabi kung may alam na nga siyang bagong syota ni Carlo, pero ang insinuation niya ay umalis na ang aktor sa piling.

Matapos na lumipat ng bahay, naglabas pa siya ng video sa sarili niyang vlog, ipinakita ang nilipatan nilang bahay at maging ang mga bagong kagamitang binili niya. Mukhang mabilis naman ding naka-move on si Trina dahil hindi naman siya mukhang depressed sa nasabing vlog niya.

Hindi rin niya pinalampas ang isang basher na nagsabing ang nangyari sa kanya ay “karma” dahil pumasok siya sa isang relasyon kay Carlo noon syota pa nito si Angelica Panganiban.

Sa kanyang sagot, sinabi ni Trina na “hindi ako naging third party, at ang alam ko split na sila noong manligaw siya sa akin.”

Sinabi rin niyang “kailangan ko na lang magpataba nang kaunti,” dahil siguro babalikan niya ang kanyang pagmomodelo bukod sa pagiging endorser, dahil bukod sa kanyang sarili, kailangan niyang suportahan ang kanilang anak.

Aywan pero hindi naman siguro iyon ang kanyang sagot sa mga sinasabi ng dating live-in partner, pero may simpleng statement si Carlo na inilabas din naman niya sa social media kung saan sinabi niyang “silence and coffee.”

Ibig sabihin wala siyang sasaguting anumang katanungan sa ngayon.

Siguro nga sa parte ni Carlo, masasabing pinaka-safe na nga iyong huwag siyang magbigay ng ano mang statement dahil mukhang ano man ang sabihin niya, babalikan pa rin siya. Alam naman ninyo sa Pilipinas, mas malakas na makakuha ng simpatiya ang isang babae kaysa sa lalaki.

Kaya lang nakakalungkot din ang nangyari, dahil sabihin mo mang kaya ni Trina na ibigay ang lahat ng mga material na kailangan ng kanilang anak, kailangan din ng isang bata ang pagkalinga ng ama.

Sanya, bibida rin sa Sanggre

Inilabas na nila, si Sanya Lopez ang magiging lead star sa gagawin nilang Sanggre, na batay sa mga nauna nilang fantasy series na Encantadia.

Mananatiling si Mark Reyes ang director noon, pero pumasok na si Ricky Lee sa pagsusulat at creative aspect ng serye.

Aminin natin na si Ricky ay isa sa top honchos sa creative noon ng ABS-CBN. Kung ganyan ang kanilang kombinasyon sa produksiyon, malaki nga ang Sanggre.

Hindi ba sobrang suwerte naman si Sanya Lopez, dahil tiyak na habang papatapos ang kanyang serye kasama si Gabby Concepcion, sisimulan naman niya ang Sanggre? Kung natatandaan ninyo suwerteng napansin si Sanya sa Encantadia, at suwerte ring siya ang ginawang leading lady ni Gabby Concepcion matapos na tumanggi si Marian Rivera, dahil sa lock-in taping.

Diyan sumikat si Sanya. Pero hindi mangyayari ang lahat nang iyan kung hindi nabuntis si Kylie Padilla.

Aktres na suportado ng tibo, cover-up lang ang BF

Cover up lang daw ng isang female star ang sinasabing boyfriend niya sa ngayon. At sinasadya nilang laging nakalagay sa social media ang kanilang mga dates. Kasi iyon daw pala ay talagang ginagawa para maitago ang relasyon ng female star sa isang “tongril,” ibig sabihin sa isang lesbian.

Ang lesbian ay isa raw rich entrepreneur, trader at jeweler, na ipinakilala sa female star ng isang kaibigan niya. Ang tongril na pala ang sumuporta sa panahong uncertain pa ang kanyang career dahil sa pandemya, at hanggang ngayon ay nakaalalay pa rin sa kanya ang tongril dahil hindi naman sapat ang kinikita niya sa mga capricho niya.

Hindi naman daw bothered ang tongril sa sinasabing boyfriend ng female star, dahil alam niyang iyon naman ay may pagkabading at mayroon nga ring nababalitang boyfriends. Kanya-kanya lang silang cover-up?

Iba na talaga ang buhay sa panahon ngayon.

TRINA CANDAZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with