Jake at Inah, going strong ang limang taong relasyon
Going strong pa rin ang relasyon nina Jake Vargas at Inah de Belen.
Nitong nakaraang Jan. 13, nag-celebrate si Inah ng kanyang birthday ay isang short but sweet na pagbati ang binigay ni Jake sa kanya via social media.
“Happy Birthday My Love wish you all the best in Life nandito lang ako lagi for you and sa lahat ng mga desisyon mo sa buhay… lab u nakita ko sa gallery ko yung last post ko ang cute mo kasi doon e Wala lang,” caption pa ni Jake.
Sinagot naman ito ni Inah ng “Lab u my luuuuuuuv, thank you. Hihihihi!”
Nakalimang taon nang may relasyon sina Jake at Ina. Una silang nagkakilala sa pinagbidahan na teleserye ni Inah sa GMA na Oh, My Mama noong 2016.
Gina, natuwa sa ‘hawahan’ sa taping
Natuwa si Direk Gina Alajar sa buong cast ng Prima Donnas Book 2 dahil nahawa na raw sila, hindi sa COVID-19, kundi sa pagiging perfectionist.
Every taping day ay laging may nagtatanong tungkol sa takbo ng eksena at kung tama ba ang acting nila. Panay rin daw aral ng mga bagets sa kanilang scripts imbes na sa cellphone nakababad.
“Ang very distinct sa kanilang lahat ay parang seryoso sila sa kanilang craft. Naging seryoso sila kasi they always ask questions na how did they do, how did the scene go, o were they okay. Kasi, in the past hindi naman sila ganon. Kumbaga, kung ano ‘yung nagawa, ok na ‘yun sa kanila. But, this time, parang they’re more conscious of it... Para silang nagiging perfectionists, in other words.
“Alam ko na pinag-aaralan nila ‘yung eksena nila, pinag-aaralan nila ‘yung script nila and, if you will just know how tedious it could be for them... they still study and they still study their script for the next day’s schedule. Kaya napapabilib ako ng mga batang ‘yan and doon sa set, alam nila’ yung mga linya nila, alam naman nila kung ano ‘yung mga gagawin nila. I think hawahan na ‘yan eh,” sey ni Direk Gina.
Sa Jan. 17 na nga magsimula ang bagong yugto ng Prima Donnas Book 2 na pinagbibidahan nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo. Kasama rin sina Elijah Alejo, Allen Ansay, Will Ashley, Vince Crisostomo, Bruce Roeland, Chandra Romero, Katrina Halili, Benjie Paras, Wendell Ramos, James Blanco, at Sheryl Cruz.
Screen Actor’s Guild Awards, tuloy na tuloy
Tuloy ang in-person event ng Screen Actor’s Guild Awards or SAG sa Feb. 27. Magaganap ang awards ceremony sa spacious Santa Monica Barker Hangar bilang pagsunod sa COVID safety protocols. It will air live over TNT and TBS.
This year, SAG Awards will honor Helen Mirren with the lifetime achievement award.
Sa Instagram page in-announce ng SAG ang official list of nominees with Rosario Dawson and Vanessa Hudgens. Ang mga pelikulang House of Gucci ni Ridley Scott at Power of the Dog ni Jane Campion ang nanguna sa film nominations with 3 each. Makakalaban nila sa Best Ensemble ay ang Belfast, CODA, Don’t Look Up at King Richard.
Sa TV nominees, nag-lead ang Succession ng HBO with 5 nominations. Nasundan ito ng Mare of Easttown at The Morning Show with 4 nominations each. Makakalaban din sa best ensemble in a drama series ang Yellowstone at Squid Game.
Sa best ensemble in a comedy series, maglalaban ang The Kominsky Method, Only Murders in the Building and Ted Lasso.
- Latest