^

Pang Movies

Iba pang positive, hinihintay umamin Aga, Charlene, Shaina, Pokwang, RK, Jane, Ritz, nagpapagaling sa COVID!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Iba pang positive, hinihintay umamin Aga, Charlene, Shaina, Pokwang, RK, Jane, Ritz, nagpapagaling sa COVID!

Nadagdag sa mga nagkaroon ng COVID sa showbiz ang mag-asawang Aga and Charlene Muhlach, Shaina Magdayao, ang magkarelasyong sina RK Bagatsing and Jane Oineza, Pokwang, Miriam Quiambao, Ritz Azul at husband niyang si Allan Guwi. Ganundin ang anak ni Iya Villania na nauna nang nagka-covid.

May iba pang sinasabing infected sa kasalukuyan na mga sikat, pero hindi pa sila nagpo-post sa kanilang mga social media account.

Sa Amerika nag-positive ang mag-asawang Aga at Charlene. Doon sila nakipagkita sa isa sa kambal nilang anak na si Andres na nag-aaral sa Spain.

“Aga and I tested positive for covid-19 while in the USA. Thank God we are all fully vaccinated. Andres was with us during the holidays (he is fully vaccinated) & he isolated right away. Andres tested negative in his PCR test, has no symptoms, was cleared by the doctor and was able to make it back to school safely in Spain. Andres is covid free,” panini­guro ni Charlene tungkol sa anak na nasa Spain na uli.

Si Shaina naman ay inakalang side effects lang ng booster shot ang naramdamang sintomas. Pero nang mag-antigen daw siya at RT PCR test, positive ang resulta. “Fever is consistently 38-39… Super sore throat… Badddd cough and phlegm…  and just today, rashes are all over,” sabi niya sa kanyang post

Recently ay na-Marites naman si Jane na diumano’y preggy ito. But obviously, walang lamang baby ang kanyang tummy. Pero nag-positive siya sa covid.

Si Miriam naman ay ang mister niyang si Ardy Roberto ang nag-share sa kanyang social media account ng kanilang pagkakasakit.

Naudlot naman ang 28th birthday celebration ni Ritz dahil sa virus.  Last Jan. 10 ay negative na sila ng mister niya.

Anyway, kahapon ay 32,246 ang new cases at sinasabing sa hangin na nga nanggagaling ang virus dahil ang dami raw talagang nahahawa na sobrang naging maingat naman.

Kris, inaming mahaba pa ang laban ng sakit sa katawan at ‘puso’

Mas bumagsak pa ang katawan ni Kris Aquino.

Kaya naman mas marami na ang nag-aalala sa kanyang post kahapon.

Pero nangako siyang hindi susuko sa laban para sa mga anak niyang sina Joshua at Bimby.

“Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa,” umpisa niya.

“Simple ang dahilan ko, hindi nyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan… i am just reciprocating in the way i am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have give me and my family, especially now that many need assistance. Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko,” sabi pa niya kung saan nga nakalagay sa artcard ang pasasalamat sa pagtulong niya sa kabila ng kanyang kalagayan.

“Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart… BUT from childhood i already knew, for me weakness could never be an option… especially NOW because i have kuya josh & bimb who still need me to love, care, and provide for them. Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko,” bahagi pa ng kanyang post kahapon.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with