Mark Anthony, gustong buhayin ang nakaraan nila ni Claudine!
Sino ang bibigyan ng pagtitiwala.
Dito iikot ang kuwento ng pelikulang Deception, ang comeback movie ng ‘loveteam’ nina Mark Anthony Fernandez and Claudine Barretto.
Actually, isinubmit nila ito sa nakalipas sa Metro Manila Film Festival pero hindi napasama sa eight official entries.
Na tinuturing na blessing in disguise ni Direk Joel Lamangan dahil katuwiran niya hindi naging maganda ang resulta ng MMFF sa takilya.
Anyway, matagal bago natuloy ang pelikulang ito na produced ni Atty. Ferdie Topacio ng Borracho Films at ang Viva Films ang magre-release.
“Matagal na ang planong reunion namin ni Mark but we can’t find the right material. Hanggang sa heto, nakahanap ng magandang script with Direk Joel Lamangan. Natagalan but it turns out this is the best project for us kasi it’s beyond the romcom genre. It’s a dramatic suspense-thriller that comments about the justice system in our country,” sabi ni Claudine.
At nang tanungin naman si Mark kung puwede pa bang ibalik ang nakaraan, ayon kay Mark, hindi pa naman huli ang lahat dahil dahil bata pa naman si Clau na Boss Clau ang tawag ni Mark.
“Hindi pa huli ang lahat. Bata pa naman si Boss Clau. Kung may chance pa akong makaligaw kay Boss Clau,” sabi ng aktor na lalo raw kinikilig sa script at mismong kay Clau.
Direktor, dismayado sa aktres na napisil na kontrabida sa malaking serye
Grabe, very disappointed pala ang isang premyadong director sa nakuhang kontrabida ng isang network para gumanap sa isang big-budgeted teleserye.
Ayon sa source, nagtataka raw ang direktor kung paano nakuha ang nasabing aktres. Ang nadiskubre raw kasi ng direktor, hirap na hirap itong umarte.
Wala raw ito gravitas na needed for the role.
Kaya advice raw sa direktor, pag-workshopin muna siya bago isalang uli.
Pero tuwang-tuwa naman daw ang direktor sa bida ng series dahil magaling daw at nakakaarte talaga.
Ahh hindi kaya conscious lang si actress dahil hindi siya ang bida?
Well, abangan natin ang nasabing teleserye at husgahan nating kung napaarte ni Direk si aktres.
- Latest