Dating Miss Earth, totodo na sa hubaran!
Sa kanyang hometown sa Davao City nag-spend ng Christmas holidays at Bagong Taon ang 2019 Miss Earth Philippines na si Janelle Tee at kinuha rin niya ang pagkakataon na ito to bond with her family na matagal-tagal na rin niyang hindi nakikita at nakakasama. Ito ang kinuha niyang opportunity na ipaalam sa kanila ang planong pagpapa-seksi simula sa taong ito.
Si Janelle ay contract artist ng Viva Artists Agency at aware siya na majority ng mga pelikulang produced ng Viva ay mga sexy at hindi rin nakaligtas sa paggawa ng mga sexy film ang ilang beauty queens na nasa bakuran din ng Viva tulad ng 2016 Miss International na si Kylie Verzosa at ang 2013 Bb. Pilipinas Tourism na si Cindy Miranda.
Ipinangako ni Janelle sa kanyang sarili na kaya rin niyang magpa-seksi tulad ng ibang sexy stars ng Viva na kahit nagpapa-sexy sa pelikula ay lutang pa rin ang husay sa pag-arte.
At bilang simula, siya’y mapapanood sa pelikulang Kinsenas, Katapusan na dinirek ni GB Sampedro at siyang magsisilbing launching movie ni Ayanna Misola.
Ayon sa big boss ng Viva, tatlong bagong movie ang naka-line-up kay Janelle na ang isa ay pamamahalaan ng premyadong director na si Brillante Mendoza.
Mamasapano, iba na ang direktor
Napag-alaman namin na sa pagpapatuloy ng shooting ng pelikulang Mamasapano kung saan tampok na mga bituin sina Edu Manzano, JC de Vera, Aljur Abrenica, Gerald Santos, Jojo Alejar, Allan Paule, Jojo Abellana, Rey `PJ’ Abellana, Claudine Barretto, Ritz Azul, Myrtle Sarrosa at marami pang iba mula sa panulat ni Eric Ramos and produced ng Borracho Film Production, hindi na ang original director na si Lawrence Fajardo ang magpapatuloy ng filming ng movie kundi ang baguhang director na si Lester Dimaranan, ang director ng Nelia, isa sa walong entries sa katatapos pa lamang na Metro Manila Film Festival (MMFF).
Bukod sa bagong director ng Mamasapano, halos lahat ng production staff ng pelikula ay pinalitan din. Pero sa kabila ng maraming changes, hindi umano magsa-suffer ang quality ng pelikula na gustong patunayan ng Borracho Film Production na pinamamahalaan ni Atty. Ferdie Topacio na isang hands-on producer.
Bukod sa Mamasapano tapos na rin nilang gawin ang reunion movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, ang Deception na dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan. May mga ibang proyekto na ring naka-line-up ang Borracho na sisimulan sa taong ito.
Nakalimutang may virus...
Alam mo, Salve A., dapat lang talaga na maging maingat ang lahat dahil sa pagsirit ng Omicron variant ng Covid-19 sa iba’t ibang bansa at kasama na rito ang Pilipinas.
Walang pinipili ang virus sa mai-infect ng Covid-19. Bata, matanda, mayaman, mahirap, kilala o hindi.
Sa pagkalat ng Omicron variant, kahit mga bakunado at boosted persons ay hindi rin ligtas.
Nang bumaba sa Alert Level 2 ang babala ng DOH, nagbunyi ang mga tao na hindi alintana na nasa paligid pa rin ang pandemya. Hindi na nasunod ang mga health protocol at siksikan muli ang mga pamilihan, shopping malls, mga sakayan at iba pang matataong lugar. Ang resulta ay ang muling pagsipa ng Covid-19 na ngayon ay nakakaalarma.
- Latest