^

Pang Movies

Jelai Andres, nakabangon na sa ginawa ng asawa!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Nakabangon na nga ang sikat na social media influencer/actress na si Jelai Andres mula sa mabigat na pagsubok sa buhay na pinag­daanan. Ngayon nga ay isa na siyang ambassadress ng Beautederm at kahanay na ng mga sikat na endorsers ng nasabing kumpanya ng mga beauty product.

Last Saturday ay binigyan si Jelai ng bonggang launching ng Beautederm CEO and President na si Rhei Anicoche-Tan kasabay ng kanyang contract signing sa kumpanya.

Aminado naman si Jelai na talagang napakatindi ng kanyang mga pinagdaanan. Matatandaang nagkaroon siya ng marital problems with husband, Jon Gutierrez na miyembro ng Ex-Battalion. Sa ngayon ay hiwalay na sila at ongoing na ang kanilang annulment case.

“Talaga naman pong nahirapan ako. Hindi lang po ako nahirapan, gumapang po talaga ako sa mga pinagdaanan ko, talaga pong nahirapan ako. Para kang namatay po, tapos nabuhay ka lang ulit. Para pong ganu’n.

“So, inisip ko po na lahat po ‘yun ay may dahilan, lahat po ‘yun ay regalo ng Diyos na kapag alam Niyang mayroon kang magandang intensyon, ilalayo ka po Niya sa mga taong hindi dapat para sa ‘yo,” pahayag ni Jelai.

Bilib na bilib naman si Miss Rei sa tapang ni Jelai at isa rin sa dahilan kung bakit niya ito kinuhang endorser aside from the fact na napakalakas talaga nito bilang social media influencer with 17.7 million consolidated followers sa Facebook, Instagram, YouTube and Twitter.

“Kabilang siya sa grupo ng empowered women na hindi porke’t broken ka, hindi ka na pwedeng tumayo ulit. Laban! So, isa si Jelai sa magandang ehemplo ng kababaihan,” sey ni Ms. Rei.

Biro pa ng mabait at generous na may-ari ng Beautederm, sobrang excited siya na maging endorser si Jelai dahil magpapaturo siyang mag-TikTok.

Si Jelai ang isa sa ambassadors ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boos­ters – ang pinakabago nitong line ng health supplements ng kumpanya.

“Maligaya ako I feel so blessed as I am grateful and excited ngayong bahagi na ako ng Beautéderm,” sabi ni Jelai. “I am honored that Beautéderm trusted me to represent REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters as its brand ambassador.”

Jennica, inaming nasa proseso pa ng healing sa balikan nila ni Alwyn

Ilang araw nang usap-usapan na mukhang nagkabalikan na ang naghiwalay na celebrity couple na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco dahil na rin sa post ng aktor sa kanyang social media account na larawan nilang pamilya habang nagdi-dinner.

Kaya naman nang mag-guest ang mag-asawa sa Mars Pa More ay diretso silang tinanong ng hosts na sina Iya Villania at Camille Prats kung nagkabalikan na sila.

Ang nakakaloka, magkaiba ang sagot nila.

“Yes” ang sagot ni Alwyn habang “no” naman si Jennica.

Agad namang nagpaliwanag ang aktres kung bakit “no” ang kanyang sagot sa tanong.

“It’s too early to say eh. We’re on the same page. Of course we are believing in God for our marriage to work.

“It’s just that, there’s so much healing that needs to happen,” sey ni Jennica.

Nasa proseso pa rin daw siya ng “healing” matapos ang mga pinagdaanan sa married life nila ni Alwyn. Ayaw daw niyang madaliin ang mga bagay-bagay para wala siyang pagsisihan sa bandang huli.

“I still have unhealthy coping habits. So I’m really working on it,” dagdag pa ni Jennica.

Pero syempre, wish ng mga kaibigan at fans nila na sa dulo ay talagang magkabalikan din ang mag-asawa at ma-settle na ang kanilang problema.

vuukle comment

JELAI ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with