^

Pang Movies

Zia, bawal pa sa live show

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Zia, bawal pa sa live show

Madi-disappoint ang fans ni Zia Dantes dahil hindi siya kabilang sa guest sa Big Christmas Sale ng isang shopping app sa Dec. 12. Hindi siya kasama ng ama niyang si Dingdong Dantes na maggi-guest sa Wowowin dahil bawal pa ang mga kaedad niya na lumabas sa telebisyon, lalo na kung live.

Kaya si Dingdong na co-endorser ni Zia ang maggi-guest at magko-co-host kay Willie Revillame. Si Zia, sa TVC lang mapapanood.

And speaking of Zia, sa mediacon ng mom niyang si Marian Rivera sa pagiging hurado sa Miss Universe, natanong ito kung sa pagdadalaga ni Zia ay gustuhing sumali sa beauty pageant, papayag ba siya? “Kung ‘yun ang gusto niya, susuportahan ko siya,” ang narinig naming sagot ni Marian, basta raw may advocacy si Zia.

Six years old si Zia ngayon, she has a lot of time and years to prepare sakaling gustuhing sumali sa mga beauty pagent, hindi lang sa Binibining Pilipinas, Miss Universe Philippines, Miss World Philippines at iba pang beauty pageant sa bansa.

Kapamilya at Kapuso stars, nag-bonding

Akala ng netizens na nakapanood ng video na magkakasama sina Lovi Poe, Max Collins, Kim Chiu, at Megan Young, lumipat na sa ABS-CBN sina Megan at Max. ‘Yun pala, nagkita-kita ang apat at kasama pa sina Coleen Garcia at Kylie Verzosa,  sa birthday ng fashion stylist na si Adrianne Concepcion.

Nag-enjoy ang mga nabanggit namin sa small party at sila lang ang nakita naming bisita sa photos o baka hindi lang pinost ni Adrianne ang iba niyang guests.

Siguradong may face mask ang mga nabanggit, but for video and pictorial purposes, tinanggal muna ang suot na face mask. Idagdag pa na mga bakunado na sila at baka nagpa-swab test pa bago ang party.

Nakakatuwa na kahit nasa ABS-CBN na si Lovi, nanatili ang friendship niya with the Kapuso stars. Sabagay, ang tagal din naman na­ging Kapuso ni Lovi at sa Instagram nga, may nababasa kaming comment ng Kapuso stars sa post niya.

Ashley, ginawa nang bida

For airing sa 2022 ang first project ni Director Jerry Sineneng sa GMA Network na Widow’s Web at noong isang araw, nagkaroon na ng virtual presscon ang project. Kabilang sa cast sina Ashley Ortega, Pauline Mendoza at Carmina Villarroel.

Ito ‘yung binanggit ni Ashley na next project niya after Legal Wives kung saan, napansin ang husay niyang umarte bilang kontrabida.

Napansin din namin na may fans na si Pauline na masipag mag-congratulate sa kanya sa bago niyang project.

Sunud-sunod din ang project ni Carmina dahil katatapos lang nila ni Zoren Legaspi ng lock-in taping ng Stories From the Heart na for December and January 2021 airing, heto at may kasunod na siyang project.

In fairness, walang nam-bash kay Direk Jerry sa paglipat niya sa GMA Network, winelcome siya ng Kapuso fans at ang Kapamilya fans, winish siya ng goodluck. May Kapamilya stars pa na nag-like at nag-comment ng heart emojis sa kanyang post.

ZIA DANTES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with