^

Pang Movies

Isko, hinihingan ng diploma ang anak!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Isko, hinihingan ng diploma ang anak!              

Kabilin-bilinan pala ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang anak na si Joaquin Domagoso na bigyan siya ng diploma.

As we all know ay nasa showbiz na rin kasi si Joaquin at isa sa mga rising Kapuso stars. Pinayagan naman siya ng ama na mag-artista pero number one requirement ni Yorme ay magkaroon ito ng degree sa kolehiyo. “Kasi ‘yun ang hindi ko nakamit, eh. Ang pag-aaral ko, atrasado, eh. Pabalik ang pag-aaral ko, eh,” sabi ni Yorme sa presscon ng musical film na Yorme: The Isko Domagoso Story.

Hindi naman ikinakaila ni Yorme na nakatapos lang siya ng high school nang pumasok sa pulitika at dahil dito ay katakut-takot na pangungutya ang inabot niya. “Nang nakutya-kutya ako, nakatikim ako ng masasakit na salita, eh di lumekba (bumalik) ako sa eskwela. Aral-aral. So, the same thing, ‘yung napagkait sa aking pag-aaral sa takdang panahon, hangga’t maaari ayokong… as a parent, you always wanted to see diploma in the walls of your house,” sey pa ni Yorme.

Payo rin niya kay JD (Joaquin) na maging masinop sa perang kinikita nito tulad ng itinuro sa kanya ni German Moreno noong time na nagsisimula pa lang siya. “Si Kuya Germs, tinuruan akong mag-libreta. Traders Royal Bank. Doon sa Broadcast City, tapos dito, Metrobank, sa Timog. Talagang sininop ni Kuya Germs na makapag-impok ako,” aniya.

Palabas na sa sinehan ang Yorme sa Dec. 1 na pinagbibidahan nina Raikko Matteo, McCoy de Leon at Xian Lim bilang Isko sa tatlong henerasyon.

Mga bidang sexy star sa GL movie, todo ang paghuhubad

First time na nakipag-love scene sa kapwa babae ang mga Viva sexy stars na sina Jela Cuenca at Cara Gonzalez sa GL (girl’s love) movie na Palitan directed by internationally-acclaimed Brillante Mendoza.

Sa nakaraang virtual mediacon para sa nasabing pelikua ay natanong nga sina Jela at Cara kung nahirapan ba sila sa kanilang love scenes together at kung paano nila ito nairaos. “Nag-practice kami sa room. Char!” sabi ni Jela sabay-tawa.

“Totoo, nag-practice kami para hindi kami mag-ilangan. Nag-usap talaga kami. ‘Yung mga concerns namin, sinabi namin sa isa’t isa. ‘Yung ayaw at ‘yung okay lang para sa amin na gawin,” sey  naman ni Cara.

Ayon pa kay Jela ay mas madali raw sa kanya ang makipag-love scene sa kapwa babae dahil wala siyang iniingatan na baka may mawahang private part ang kanyang co-actor since pareho nga silang girl.

“Hindi naman ako tomboy, ha,” paglilinaw ni Jela.

SKO MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with