American music awards, mapapanood sa TV5!
Magkakaroon ng pagkakataon ang Filipino music lovers na saksihan ang pinakahihintay na 2021 American Music Awards (in real-time) dahil ipalalabas ito sa TV5, ngayong Lunes, Nov. 22, 9:00 a.m.
Mapapanood nga sa bansa ang first live telecast ng nasabing international music event. Tulad sa mga nakaraang AMA, present sa 2021 AMA ang biggest names na kabilang sa mga may pinakamalaking music fandom sa buong mundo – Bruno Mars, BTS, Taylor Swift, Ariana Grande, Olivia Rodrigo, The Weeknd, and more.
Ang American Music Awards ay annual international music event celebrating the greatest talents in the contemporary music scene. It is the world’s largest fan-voted awards show where winners are determined solely by the fans via voting on TikTok by searching for AMAs in-app.
Magiging host ng dambulahang event si Cardi B, a multi-awarded entertainer, rapper, and a five-time AMA winner. Ang American rapper ay meron ding three nominations ngayong taon sa AMA.
May pop-powerhouse feature din ang first-time nominee na si Olivia Rodrigo na mayroong seven nominations kabilang na ang Artist of the Year and New Artist of The Year.
Ganundin ang The Weeknd, who earned six nominations this year. Alongside these two big artists, global superstars Ariana Grande, BTS, Drake and Taylor Swift will also be vying for the night’s top honor, the Artist of the Year award.
Kaya abangan ngayong umaga at puwede ring maki-join TV5’s AMAzing Twitter party on the 2021 American Music Awards by following @TV5manila and by using the official hashtags: #AMAs and TV5’s #AMAsOnTV5.
Alden, may sariling scholarship foundation na
Nice, na may sariling scholarship foundation na si Alden Richard, ang AR Foundation na nakapagpatapos na. “I’m really proud to say na I now have two college graduates,” sabi niya the other day sa ginanap na virtual media conference para sa kauna-unahang docu-concert sa bansa na Forward: Meet Richard Faulkerson, Jr., na magaganap in January 2022.
Ano nga ba ang AR Foundation? “Right now we focus on kids as in anyone na gustong mag-aral. That’s what the Forward concert is all about. All the proceeds will go to the AR Foundation to sustain or acquire more scholars,” paliwanag ng actor na nakatakdang magbakasyon sa Amerika ngayong Kapaskuhan.
Malawak ang plano niya sa nasabing foundation na ngayon ay nasa first stage pa lang daw sila na pagbibigay ng scholarship sa mga kabataan. “May mga future plans kami na kahit papaano maka-establish tayo ng solid grounds for work for them,” banggit pa niya na matagal na palang pangarap na gawin ito.
Pero sa almost perfect life ni Alden, aminado siyang ‘flawed’ din siya in a way. “Of course, syempre all of us are flawed in a way. Sa buhay naman syempre sometimes the good guys are capable of doing bad things and the bad guys are capable of doing good things. Of course, weaknesses are always there but it’s really how you manage them. Meron nga akong gustung-gustong linya sa Dr. Strange (2016), ‘yung kalbo, si Ancient One, ito ang sabi niya ‘We never lose our demons. We only learn to live above them.’ Ganun lang let’s live above all those weaknesses, manage it. And mas magiging maayos ‘yung buhay mo,” banggit pa niya nang tanungin namin kung may weaknesses din ba siya.
Anyway, ang Forward... docu-concert ni Alden ay dinirek ni Frank Lloyd Mamaril at mapapanood sa Jan. 30, 2022 at 8:00 p.m.
- Latest