^

Pang Movies

‘Mga naiipong gamit, malaking problema’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang laki ng problema ko, Salve. Hindi ba every year gusto natin mag-spring cleaning? Bakit ba tuwing sisimulan kong linisin ang mga gamit ko, ending, wala rin akong nabawas. Dapat talaga siguro, basta tapon na lang, wala nang tingin-tingin. Kasi basta i-sort out mo, tiyak hindi mo rin itatapon, keep mo uli.

Mas maganda pa siguro ang ugali ni Kris Aquino, basta lumipat siya ng bahay, lahat ng gamit sa iiwan niyang bahay hindi niya dadalhin, kaya bago na naman ang mga gamit at wala ‘yung unnecessary things. Pero usually tayo, keep natin lahat kaya parami nang parami ang mga gamit natin na kung minsan maiisip mo, hindi mo naman na kailangan, o kaya gagamitin kaya nandun lang siya.

Ay naku, every year iyan ang problema ko, dahil sa katatago ko ng mga bagay-bagay, ang dami kong gamit na sure ako puwede ko namang itapon na. Lagi ko na lang problema iyan, kaya this time, talagang decided na ako, throw ko na ang mga walang kawawaan na mga itinatago ko. Good luck sa akin na ang hilig magtabi ng kung anu-ano kaya ang dami kong basura.

Mga orphan, laging bida sa K-Drama

Napansin n’yo kung gaano kahusay ang child stars ng Korea? Kaloka na mga batang-bata pero ang husay umarte at galing ng facial expression talaga. At bongga sila sa delivery ng dialogue ha, talagang emote na emote, at ‘pag one liner, ang lakas ng dating. Siguro nga ang husay ng mga acting coach nila, at bata pa hasang-hasa na sa acting. Kaya hindi surprising na lumalaki sila at nagiging mahusay na actor paglaki dahil halos lahat ng stars nila nag-umpisa as young stars. Kaya naman siguro grabe rin ang disiplina nila sa trabaho, kaya nga bata nag-start.

Isa pang napansin ko, ‘yung story plot nila na la­ging may orphan na character. Parang ang dami nang naging ulilang bata sa kanila. Doon ko nalaman sa K-drama na Start-Up serye na ‘pag lumagpas ka na sa certain age palalabasin ka sa orphanage, bibigyan ng pera, bahala ka kung itutuloy mo ang pag-aaral, o gagawin mong puhunan ang binigay sa iyo na financial assistance, basta ikaw ang bahala dahil overage ka na sa loob ng ampunan.

Bongga dahil usually ‘yung istorya ng orphan successful, gaya ni Good Boy ng Start-Up, saka parang ang bait ng kultura nila sa mga ulila. May ganun kaya dito sa atin sa Pilipinas na mag-aalaga ng orphans? ‘Yung Boys Town, at meron ngang isang action star na sumikat galing dito, si Dante Varona ba? Dapat siguro ganundin ang mangyari sa orphans para walang streetboys o rugby boys na kakalat-kalat. ‘Yung libre sila sa school, saka lang pawawalan ‘pag tapos na ng high school at bigyan din ng konting budget para makapag-umpisa ng bagong buhay.

vuukle comment

ORPHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with