^

Pang Movies

Jay, matanda na ang pakiramdam!

Ruel Mendoza - Pang-masa

Pumayag si Jay Manalo na gawin ang isang mainit na eksena sa pelikulang Mahjong Nights kung saan gumaganap siyang abusive stepfather ng baguhang sexy star na si Angeli Khang.

Malaki raw ang utang na loob niya sa Viva kaya noong pakiusapan siya, hindi siya huminde.

Sey ng 45-year old actor: “I agreed naman, pero hindi na siguro kasing daring ng dati. I think I’m too old for sexy roles. Maraming na-launch na sexy stars before, ako naman talaga ang naging partner. Dito ako nag-start at ito ang tahanan ko. Kung gumawa man ako sa ibang productions, babalik ako talaga sa Viva. Kung ano man ang nakalimutan ko dati, dapat tapusin ko.”

Ang Viva ang sumugal kay Jay noong pagbidahin nila ito sa pelikulang Totoy Mola noong 1997. Hanggang ngayon daw ay Totoy Mola pa rin ang tawag sa kanya ng maraming tao.

Hindi naman daw naging maramot si Jay sa pag-share ng kanyang acting experiences sa mga baguhan na aktor ngayon, tulad kay Sean de Guzman na nakatrabaho niya sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer last year.

Isa pang advice ni Jay sa mga baguhan ay matuto silang makisama sa lahat ng makakatrabaho nila. “Normal lang na nakikibagay sa iba o nakikisama sa mga taong malapit sa mundo mo. Makisama ka sa lahat ng nasa mundo ng showbiz. Kahit hindi maganda ang vibes niyo. Pakikisama ang pinakaimportante.”

Wilma, may mga empleyadong may special needs

May ginintuang puso si Wilma Doesn’t sa pagtulong niya sa mga taong may special needs sa panahon ng pandemya.

Sa kanyang restaurant sa Cavite, may mga tauhan si Wilma na deaf mute at ‘yung “no read, no write.”

Nakilala raw ni Wilma ang deaf mute employee niya na si Richard nang minsan maghanap siya ng puwedeng mag-asikaso ng deliveries ng orders nila.

Kuwento ni Wilma: “’Yung asawa niya sinasabi sa amin is gustong magpa-picture raw sa akin ‘yung lalaki kasi artista ako. So nagsa-sign silang dalawa. Nakakaintindi ako nang konti. Pero si Richard, ‘yung mismong staff ko ngayon, dinidedma niya ‘yung asawa niya. Ang sinasabi niya is ‘Hindi, gusto kong magtrabaho sa’yo.’

“Nag-apply siya right there and then sa akin. Noong nakita ko ‘yung sincerity sa mata niya, sabi ko sa kaniya ‘Okay, balik ka bukas, 8 a.m. Tinry ko lang. 7 a.m. nandu’n na siya sa restaurant. Sabi ng asawa ko ‘Bakit mo siya tinanggap? Paanong gagawin natin?’ Bahala na. Tinanggap namin siya. Mula noon hanggang ngayon, never siyang nale-late.”

Samantalang si Ocho naman ang empleyado ni Wilma na no read, no write.

“Hindi siya makapagbasa, hindi siya makapagsulat ng sarili niyang pangalan, hindi siya makapagbilang. So ngayon nakakabilang na siya out of 10. Marunong na siyang magbasa at magsulat. Achievement na namin ‘yon. Ang sarap lang sa feeling.”

JAY MANALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with