^

Pang Movies

Paolo, sa social media lang nalamang nanalo sa abroad!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Paolo, sa social media lang nalamang nanalo sa abroad!
Paolo.

Nanalong best actor sa 28th Filipino International Cine Festival in San Francisco ang aktor na si Paolo Gumabao para sa pelikulang Lockdown kung saan gumanap siya bilang isang online sex worker para suportahan ang kanyang pamilya noong magkaroon ng pandemya. Nagwagi rin ang Lockdown bilang best film at best director si Joel Lamangan.

Hindi raw inaasahan ni Paolo na mare-recognize ang kanyang performance sa Lockdown kung saan may ginawa siyang frontal nudity.

Nalaman daw ni Paolo ang panalo niya sa pamamagitan ng isang Facebook post mula sa orga­nizers ng film festival.

“Dreams do come true. Just trust in yourself. And always do what you do best. Trust in the process. Be patient. I realized that sometimes the delay is your preparation. Maybe the reason why you haven’t gotten what you’re asking for is because you’re not yet ready, but it will come to you once you’re ready,” bahagi ng post niya.

Pagbubutihan pa raw ni Paolo ang performance niya sa mga susunod pang projects niya. “I want to stay in this business for a long time. This is something I feel like gusto ko talagang gawin hanggang tumanda ako. I want to stay in the industry talaga. Gusto ko ganoon, ‘pag nakita ako ng tao, ‘Ah, kaya ni Paolo ‘yan. I’ve never loved anything else like this. This is really me. I feel like if I wasn’t actor, I don’t know who I am.”

Si Paolo ay anak ng veteran actor na si Dennis Roldan. Half siblings niya ang aktor na si Marco Gumabao at ang beauty queen na si Michelle Gumabao.

Sunod na mapapanood si Paolo sa pelikulang Sisid na dinirek ni Brillante Mendoza, kung saan gaganap siya bilang isang marine biologist. Hubo’t hubad na naman daw si Paolo sa pelikula at pag-uusapan daw ang mainit na love scenes niya kasama ang aktor na si Vince Rillon.

Glenda, 8 years nang cancer-free

Nag-celebrate ng kanyang 52nd birthday ka­makailan ang aktres na si Glenda Garcia at sobra ang pasasalamat niya dahil eight years na raw siyang in remission or cancer-free.

Taong 2013 nang ma-diagnose si Glenda na meron siyang breast cancer. Dumaan sa ilang taong gamutan ang aktres at nalagas pa ang kanyang buhok dahil sa pinagdaanang chemotherapy.

Pero eight years after, healthy pa rin si Glenda at patuloy ang kanyang paglabas sa iba’t ibang teleserye. Pero nag-iingat pa rin daw siya sa kanyang kalusugan dahil sabi nga nila may traydor ang sakit na cancer at puwede itong bumalik.

“Nitong nakaraang pandemic, mas naging maingat ako. I used to play tennis twice a week pero biglang natigil dahil sa lockdowns kaya sa bahay na lang ako nag-exercise. ”

Nagpapasalamat si Glenda na kahit may pandemic ay hindi siya nawalang ng trabaho sa TV. Tulad ngayon ay kasama ulit siya sa cast ng First Lady, ang sequel sa First Yaya.

PAOLO GUMABAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with