^

Pang Movies

John Lloyd, wala pa ring linaw ang sitcom sa GMA

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
John Lloyd, wala pa ring linaw ang sitcom sa GMA
John Lloyd.
Photo from JLC’s Instagram

Nagkakagulo sila sa nakitang shooting nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, na ang nag-post ay fans na nakakuha ng picture nila habang nasa set nang medyo malayo rin naman. Hindi rin nila alam kung ang ginagawa nga ba ay isang pelikula o isang serye.

At ito na, sinasabing para sa station ID ‘yun ng GMA 7.

Bagama’t mukhang wala pang linaw si John Lloyd sa GMA sa kabila ng mga announcement nila noon kung ano ba talaga ang programang gagawin niya sa Kapuso network.

Anyway, hindi pa rin maliwanag kung kailan naman magsisi­mula ang sinasabing pelikula ni Bea sa GMA Films, at ang serye diumano with Alden Richards.

Noon tuluy-tuloy ang announcement nila tapos biglang wala nang narinig.

Ang pelikula, puwedeng masabi na siguro puwedeng maghintay sa paglakas ng pagbubukas ng mga sinehan. Kung wala naman kasing sinehan at sa internet lang sila lalabas, wala rin. Kasi kung gagawa nga ng pelikula si Alden sa ngayon ay hindi nito maaabot ang kinita ng pelikula niya kasama si Kathryn Bernardo at lalabas na si Kathryn lang talaga ang nagdala noon at hindi si Alden. Kung si Bea pa ang leading lady, dalawa pa silang tatamaan.

Mga kasaling pelikula sa MMFF, wala pang ingay

Sinisiguro na nilang matutuloy ang MMFF, at ang mga kasaling pelikula ay maipapalabas sa mga sinehan na inaasahan nilang pagdating ng Disyembre ay posibleng bukas nang lahat at pinapayagan na ang mas maraming manood ng sine.

Pero iisa pa rin ang aming katanungan, kikita kaya ang mga pelikula kagaya nang dati?

Wala pa kaming naririnig na mala­king box office star na gumagawa ng pelikula para sa festival. Si Vic Sotto, diretsahang sinabi na hindi muna siya gagawa para sa festival na ito. Hindi rin kumikilos ang kampo ni Vice Ganda. Ang top grosser ng huling festival na matino, si Aga Muhlach ay wala ring project. Malamang ang mga sasali riyan ay mga indie, o kaya mga pelikulang hindi sikat ang mga artista or mga natapos bago nag-pandemic.

 Kung ganyan ang mangyayari, hindi nila makukuha ang suporta ng provincial theaters, dahil ang sakop lang naman ng batas nila ay Metro Manila.

Mauulit na naman ang kuwento noong pinakialaman nila ang festival at ang ipinasok nila ay puro indie.

Kapamilya, may partylist na rin

May naka-rehistro palang Kapa­milya Partylist, na binubuo raw ng mga dating empleyado ng ABS-CBN. Dahil nawalan ng trabaho, siguro inaari nilang sila ay kabilang na rin sa “marginalized sector”.

Sila ay nawalan nang trabaho nang hindi i-renew ng House of Representatives ang kanilang franchise. Kung may party list nga naman sila, at mananalo, magkakaroon na sila ng kinatawan sa House.

Pero tiyak na hihingin sa kanila ang mag-inhibit kung ang tatalakayin na ay ang franchise nila kung sakali. Pero nag-rehistro man sila nang party list hindi pa natin alam kung iyan nga ay papayagan ng COMELEC. Sa Disyembre pa natin malalaman kung party list nga sila o hindi.

Masyadong marami nang party list. Mga tindero ng balut, security guards, tricyle drivers, panadero, tindero ng gas, maski sino yata nagtayo na ng party list. Aywan pero isa kasi kami sa naniniwala na may sapat naman tayong mga congressman. Dagdag gastos pa iyang party list.

May nagbago ba sa buhay ng nagtitinda ng balut? Gumanda ba ang lagay ng mga security guards? Wala rin.

 

JOHN LLOYD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with