Markki, inaming nahirapang rumampa sa Arab Fashion Week
Hindi ikinakaila ng Filipino-Norwegian singer-songwriter, radio-TV, model and movie personality at dating finalist ng Pinoy Got Talent na si Markki Stroem (34) na hindi umano naging madali ang kanyang pagrampa kamakailan lamang sa Arab Fashion Week nang naka-underwear na may suot na 6 to 7-inch platform heels, his first modeling stint in five years pero kinaya umano niya ito. Si Markki ang only male model sa all-female dominated models ng Arab Fashion week kung saan na-feature ang designs ng Dubai-based Filipino designers kabilang ang sikat na fashion designer na si Michael Cinco.
Ang suot na 6-inch wedge platform ni Markki ay gawa ng Filipino shoe designer na si Omar Santos Sali.
Minsan nang nadawit sa isang kontrobersiya si Markki nang siya’y i-link sa kanyang close friend, ang actor-restaurateur and businessman na si Marvin Agustin na agad namang pinabulaanan ng huli liban sa kanilang pagiging magkaibigan.
Ipapaubaya na sa abogado ang kaso sa ‘anak’
Politically-motivated nga ba ang paglantad ng isang nagngangalang Joshua Paolo Jensen (24) na nagki-claim na anak umano sa labas ng actor-businessman at kandidato sa pagka-congressman ng North District ng Cebu City sa darating na national and local elections in May 2022?
Si Joshua Paolo Jensen ay residente ng Barangay Sambag II in Cebu City na nagmula ng Bacoor City. Siya’y nagsampa ng kaso against the actor-businessman na may kinalaman sa compulsory recognition bilang anak.
Hinahamon din umano ni Josh Jensen ang sinasabing ama na sabay umano silang magpakuha ng DNA test para malaman ang veracity ng kanyang claim.
Sa isang post, sinabi umano ng actor na si Richard Yap na never umano niya nakilala ang lalaking nagpakilalang anak umano niya. “I am very sure that this is politically motivated,” pahayag ni Yap.
Idinagdag pa ng actor na isang councilor umano ang nagsasalita tungkol kay Joshua Jensen.
Hihintayin lamang umano ni Richard ang civil case at ipapaubaya sa kanyang mga abogado ang kaso.
Ang ipinagtataka pa umano ng actor-businessman at congressional candidate ay kung bakit ngayon lamang lumantad itong nagki-claim na anak niya samantalang sampung taon na siya sa showbiz at kung kelan siya papasok ng pulitika ay saka lamang ito lumabas.
Naniniwala ang actor na ang intention umano ay para sirain lamang ang kanyang reputasyon.
Ang kasong isinampa ni Josh Jensen ay may kinalaman sa acknowledgment of paternity and affiliation.
- Latest