^

Pang Movies

Pinoy fan na nakasuhan dati ng estafa, nagpa-billboard sa Korea para mai-date si Jennie ng Blackpink

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pinoy fan na nakasuhan dati ng estafa, nagpa-billboard sa Korea para mai-date si Jennie ng Blackpink

Bongga si Christian Albert Gaza na fami­liar ang name sa social media at kilalang Pinoy fan na mahilig mag-alok ng date sa mga artista sa pamamagitan ng billboard.

Si Erich Gonzales ang kauna-unahan niyang inalok ng date sa ‘billboard’ sa Morayta pero hindi pumasa sa Kapamilya actress. At may mga sumunod pa.

Pero ito, sosyal, sa South Korea siya nagpa-billboard, malapit sa mismong office ng management group ng Blackpink, ang YG Entertianment, para kay Jennie.

At ang nakalagay sa billboard : “Kim Jennie Ruby Jane, you are my ultimate crush. Can I take you out to dinner” and make me the happiest man alive?”

At nilagay niya ang location nito sa ibabaw ng malaking building sa South Korea : “Billboard Location: 62, Noksapyeong-daero 11-gil, Yongsan-gu, Seoul, Republic of Korea. I don’t know how to contact her kaya pina-billboard ko na lang sa puso ng South Korea, few kilometers away from BLACKPINK’s YG headquarters. I hope she will say YES. #JennieChristianDinnerDate,” caption niya sa photos nito na ebidensiya sa kanyang ginawa.

Iba-iba ang reactions pero ang bottomline, massive ang comment at nag-share.

At ang sabi sa kanya, puwede siyang kasuhan sa kanyang ginawa dahil panggagamit ito sa isang sikat na tulad ni Jennie na idolo ng marami sa buong mundo.

Pero sinagot ito ng social media personality na nakasuhan ng estafa : “Sa lahat ng Pinoy haters ko sa South Korea na nagpapakalat ng fake news na maaari daw akong makasuhan at ma-blacklist nang dahil sa billboard proposal ko for Jennie, let me tell you this... listen carefully. Lahat ng advertisements sa mga pampublikong lugar ng Seoul ay kailangan ng permit mula sa kanilang local government.

“Two weeks ago, nag-submit kami ng application at sila’y sobrang na-shookt because this billboard of mine daw ay very first of its kind in Korean history! Ang kauna-unahang billboard date proposal sa kanilang bansa ay gawa ng isang foreigner... ang lahi ay Pilipino. Pinoy pride!

“Wala daw akong nilabag na batas dahil hindi ko inilagay sa layout ang imahe ni Jennie. Boom approved! Permit released!”

Shocking pero sosyal siya na sabi sa isang article na ishinare niya ay P500 million ang net worth niya. 

CHRISTIAN ALBERT GAZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with