^

Pang Movies

Desiree, may baby na!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Desiree, may baby na!

Sinilang na ni Desiree del Valle ang baby boy nila ng mister na si Boom Labrusca noong nakaraang October 4. Pinangalanan nila ito na Alexander Sebastian Dunham Labrusca. “As we welcome our bundle of Joy! Alexander Sebastian Dunham Labrusca. Thank you Lord for our son,” caption ni Desiree sa post niya sa Instagram.

Proud daddy and husband si Boom at pinahanga raw siya ni Desiree sa pagdaan nitong pagbubuntis sa kanilang baby boy.

Post ni Boom: “To my wife, for carrying our baby, for being strong and for being an amazing wife, good job, mommy. Maaring nandoon tayo sa kanilang tabi ngunit kailanman ay ‘di natin malalaman ang tunay na hirap ng pagdadalang tao. Team work makes the dream work. I love you so much.”

Kinasal sina Boom at Desiree noong January 2018. Una silang nagkaroon ng relasyon noong magkasama sila sa teleserye na Aryana ng ABS-CBN noong 2012.

Panganay ni Boom ang aktor na si Tony Labrusca na anak niya sa dating karelasyon na si Angel Jones.

Alexandra Yap, matagal bago pinayagan ng nanay na mag-showbiz

Kuwento ng bagong Kapuso talent na si Ale­xandra Yap na 20 years niyang pinilit ang inang si Melissa Mendez na pasukin niya ang showbiz.

Pero ang magtapos daw ng pag-aaral niya ang unang kondisyon ni Melissa kay Alexandra. Kapag may diploma na raw ito ay puwede na nitong gawin ang gusto niya. “I just graduated last year from college, nag-work po ako. I went corporate and I only started showbiz this year. So far, I’ve only been doing workshops,” sey ni Alexandra na nagtapos ng BS Management sa De La Salle University in Manila.

Namulat daw si Alexandra sa mundo ng showbiz ng kanyang ina at ng kanyang Tita Glenda (Garcia). Kaya dream niyang maging artista rin. “Growing up, I saw my aunt and I followed my mom to tapings and sobrang that’s always been my dream also, to be able to show emotion and share authentic stories of people.

“Sa bahay po kasi may mga poster ng movies niya before. And even at school, mga teacher ko rin sinabi, ‘Nanay mo pala si Melissa Mendez...’ I got used to it. Also, pag lumalabas may nagpapa-picture.”

Ngayon at isa na siyang talent ng GMA Artists Center, tinutulungan na siya ni Melissa sa tamang paraan ng pag-arte.

Ang father pala ni Alexandra ay ang dating action star ng Regal Films na si Raymond Keanu.

James Bond star Daniel Craig, honorary officer na ng UK’S Royal Navy

Ginawang honorary officer of the United Kingdom’s Royal Navy ang James Bond star na si Daniel Craig.

Binigyan si Craig ng titulo na Commander na seventh-highest rank sa Royal Navy. Gagamitin daw niya ang ranggong ito para makatulong sa maraming military families sa UK.

Muling mapapanood ang 53-year old actor sa ikalima at huling Bond film niya na No Time To Die. Unang lumabas bilang James Bond 007 si Craig sa Skyfall at nasundan ito ng Casino Royale, Quantum of Solace at Spectre.

Panahon na raw para may bagong James Bond na pumalit sa kanya.

vuukle comment

DESIREE DEL VALLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with