^

Pang Movies

Nikki, hindi na naiisip ang showbiz

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Nikki, hindi na naiisip ang showbiz
Nikki.

Baby girl ang ipinagbubuntis ngayon ng singer at dating commercial model-turned stage-TV and movie actress and video jock na si Nikki Gil sa kanyang non-showbiz businessman husband na si BJ Albert.

Ang panganay nina Nikki at BJ na si Finn ay magpu-four years old sa darating na November. The couple got married noong Nov. 21, 2015 sa Sta. Elena Gold & Country Club in Laguna.

Magmula nang mag-asawa si Nikki ay tinalikuran na nito ang kanyang showbiz career to focus on her domestic life lalo na ngayong magdadalawa na ang kanilang anak ni BJ, pamangkin ng veteran singer at hitmaker na si Joey Albert.

Nikki rose to prominence nang maging hit ang kanyang Coco-Cola commercial when she was 17. Ito rin ang kanyang naging pasaporte sa kanyang pagpasok sa showbiz. Bukod sa kanyang pagiging video jockey ng music channel ng ABS-CBN, ang MYX, she also recorded eight studio albums, went into stage acting and eventually sa telebisyon at pelikula.

Nikki’s last TV and movie project ay ang TV series na Hawak Kamay at ang pelikulang My Big Bossing in 2014.

Her singing and musicality ay minana niya sa kanyang parents. Her father plays the piano habang ang kanyang ina naman ay kumakanta sa church choir.

LIZ UY, naka-dalawa na ring anak

Dalawa na ang anak ng celebrity stylist na si Liz Uy sa kanyang businessman husband na si Raymond Racaza, ang kanilang four-year-old na si Xavi at ang kanilang six months old second son na si Mati na isinilang last March this year.

The couple got engaged noong October 2020 and got married in December of same year.

Liz’ husband was formerly married to internist and rheumatologist Dr. Geraldine ‘Ging’ Zamora at meron silang isang daughter.

Yamyam, nainegosyo ang napanalunan sa PBB

Ang 27-year-old Pinoy Big Brother: Otso big winner noong 2019-turned actor-comedian na si William ‘YamYam’ Gucong ay ginamit ang napanalunang cash prize sa pagnenenegosyo. On his 26th birthday noong Dec. 8, 2019 ay binuksan ang unang branch ng kanyang bake show, ang Yamito’s Bakeshow sa kanyang hometown sa Inabanga, Bohol na sinundan ng pagbubukas ng kanyang ikalawang branch sa Ubay, Bhol noong March 8, 2020.

Ngayon ay nagpapatayo na ang ex-PBB housemate-turned actor-comedian ng bahay para sa kanyang pamilya.

Dahil sa hirap ng kanyang pamilya noon, hanggang Grade 5 lamang ang inabot ni YamYam at napilitan siyang mamasukang household help at water delivery boy.  Ito ang kanyang buhay bago siya nag-audition sa reality show na Pinoy Big Brother: Otso kung saan siya nakapasok and eventually tinanghal na big winner.

Bukod sa cash prize at iba pang premyo, may nakuha rin siyang condominium unit mula sa Suntrust.

Since priority ni YamYam ang kanyang pamilya, hindi pa nito iniisip na magkaroon ng sarili niyang pamilya. He will be 28 sa darating na Dec. 8.

Malaki man ang epekto kay YamYam ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN noong isang taon, nagpapasalamat siya na naitatawid niya ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya sa tulong ng kanyang bakeshop business na may dalawa nang branch.

Mga teacher, binigyang-pugay

Sa ika-labing-apat na taon ay patuloy ang pagbibigay-pugay ng Gabay Guro sa lahat ng Filipino teachers sa buong bansa hatid ng PLDT-Smart Foundation.

Sa kabila ng malaking challenge dala ng pandemya, patuloy ang Gabay Guro sa  kanilang taunang selebrasyon bilang pagkilala sa kabayanihan at sakripisyo ng mga guro na siyang tumatayong pangalawang magulang ng mga estudyante.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Education, ang Gabay Guro ay patu­loy sa kanilang pagtulong sa teachers sa iba’t ibang paraan tulad ng classroom donations, livelihood projects, scholarships, connectivity and computerization, training, pamimigay ng tablets at laptops at iba pa.

This year’s slogan ng Gabay Guro ay Guro sa Gitna ng Pandemya: Heroes for the Digital Transformation.

Samantala, isang star-studded grand event ang inihanda ng Gabay Guro para sa lahat ng teachers na gaganapin ngayong Sabado, Oct. 2 at 2 p.m. sa kanilang  Facebook Page at YouTube channel na tatampukan ng mga kilala at de kalibreng performers na pangungunahan ng Megastar na si Sharon Cuneta, ang mag-asawang Regine Velasquez-Alcasid at Ogie Alcasid, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma at marami pang iba. The show will be hosted by  Pops Fernandez together with Iza Calzado, Atom Araullo and Dominic Roque. Bukod sa non-stop performance, meron ding brand new car na ipapa-raffle sa teachers at dalawang tig-P500,000 cash prizes.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

NIKKI GIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with