^

Pang Movies

Beteranong aktor na si Pen Medina, nganga sa trabaho dahil anti-vaxx

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Beteranong aktor na si Pen Medina, nganga sa trabaho dahil anti-vaxx

Anti-vaxx pala ang mahusay na aktor na si Pen Medina, as in, hindi naniniwala sa vaccine at hindi rin naniniwala sa paggamit sa face mask laban sa COVID. Naalala namin, sumali pa ang aktor sa isang rally ng mga kontra sa bakuna at face mask at duma­ting siya sa rally na walang suot a face mask.

Ang pagiging anti-vaxx daw ni Pen ang rason kung bakit wala itong project ngayon sa telebisyon at sa pelikula. Walang kumukuha sa kanya dahil lahat ng artistang nasa cast ng TV show o movies, kailangang magpa-swab test at naka-quarantine na ayaw din yata ni Pen at mas prioridad ang mga bakunado.

Kailangan din sa shooting at taping na magsuot ng face mask sa taping at aalisin lang kapag may eksena. Kaso, hindi nga naniniwala sa face mask si Pen.

Noong isang araw, nabalitang tsina-challenge ni Pen ang host na si Kiko Rustia to a debate about vaccination. Nag-post kasi si Kiko ng “Know Your Covid-19 Vaccines at nag-comment si Pen na pinost ni Kiko at pinost din ni Kiko na hinahanap siya ni Pen. at hinahamon nga ng public debate tungkol sa forced vaccination.

“Kuwentuhan lang, public kape-kape baga. PARA SA MGA NASAKTAN O NAMATAYAN SA BAKUNA AT SA KAALAMAN NG MGA KABABAYAN NATIN,” post ni Pen.

Sagot ni Kiko, nalulungkot siya sa stand ni Pen tungkol sa bakuna, pero hindi na siya makikipg-debate dahil magkaiba sila ng paniniwala. “Lalo na hindi naman po kayo doctor para maging isang reliable resource person sa bagay na ito.”

Sa huli, sabi ni Kiko, mag-stick na lang sila ni Pen ng kani-kanyang paniniwala at platform, basta siya suportado ang bakuna at mga doctor at health care workers working sa frontline.

Nagka-COVID pala si Kiko, kaya naniniwalang totoo ang COVID.

Tom, 7 araw lang ang preparasyon

Tuloy naman pala sa Oct. 23, ang church wedding nina Carla Abellana at Tom Rodriguez at hindi totoong naurong sa November. Pero, nasa lock-in ta­ping ng The World Between Us  si Tom, si Carla ang tutok sa paghahanda sa kasal katulong ang team nito.

Mabuti na lang at tapos na si Carla sa taping ng To Have and To Hold, kaya nakakapag-focus sa wedding preparation. In fact, this Monday na, 8:50 p.m., ang world premiere ng bagong primetime series ng GMA 7 na ibang Carla ang mapapanood ng viewers.

Hanggang Oct. 15 ang taping ni Tom ng TWBU, kaya may seven days lang siya to prepare for his wedding. Mabuti na lang at hindi stressed si Tom at nakakapag-concentrate pa sa trabaho. Sad lang na hindi makakadalo sa kasal nila ni Carla ang mom at siblings niya based in Texas.

Cong. Yul, gustong iboykot

Tatakbo palang Vice Mayor ng Manila si Cong. Yul Servo, kaya lang, minarkahan na siya ng Kapa­milya fans na isa sa mga kongresistang hindi bomoto sa renewal ng franchise ng ABS-CBN at hindi siya iboboto. May Kapamilya aktres nga na nag-post ng ‘no’ vote kay Yul,’ kaya lang,  ang alam namin, taga-Quezon City siya at hindi botante ng Manila.

Nag-comment din ang Kapamilya fans at tinawag na makapal si Yul, may mga nanawagang ‘wag siyang iboto, may nag-comment pa na tiyak na zero vote raw si Yul. May nag-wish pang matalo raw sana ito. Siguradong alam na ni Yul kung ano ang gagawin at sasabihin sa mga botanteng Kapamilya na galit sa kanya.

PEN MEDINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with