^

Pang Movies

Sam, nailuwal na ang first baby!

RATED A - Aster Amoyo - Philstar.com

Isa nang ganap na ina ang aktres, celebrity endorser at entrepreneur na si Sam Pinto matapos nitong isilang ang first baby nila ng kanyang husband, ang Australian born Filipino-Czech professional basketball player na si Anthony Semerad, ang twin brother ng isa pang cager na si David Semerad na mister naman ng aktres na si Gwen Zamora.

Isinilang ni Sam si Baby Mia Aya last Wednesday, September 1, at pareho silang excited ng kanyang mister sa kanilang firstborn.

Bukod sa pagiging aktres at in-demand celebrity endorser, si Sam ay may sariling resort sa Baler, Aurora, Quezon, ang L’Sirene Boutique Resort dahil mahilig din siyang mag-surfing.

Sina Sam at Anthony ay ikinasal sa isang intimate civil wedding ceremony with just five guests including `yung pastor na nagkasal sa kanila noong nakaraang March.

Juliana, nami-miss pa rin ang showbiz

Kasal na ang dating sexy actress na si Juliana Palermo sa kanyang American partner of two years na si Joel Crabtree na siya ring ama ng kanyang one-year-old son na si Jack Alexander.

Two days matapos i-share ni Juliana sa kanyang Instagram account ang kanilang engagement ng kanyang fiancé last August 29 sa isang beach in Cancun, Mexico two days later noong August 31 ay isang intimate wedding ang naganap attended by their son and eldest son ng actress sa ibang nakarelasyon plus five of their closest friends.

Sina Juliana at ang kanyang American husband ay nagkakilala in 2019.

When Juliana was still active sa kanyang showbiz career during the early 2000 ay marami-rami rin siyang nagawang pelikula tulad ng Panaghoy Sa Suba, Barang, Kaleldo, Ageng X44, Kasal, Kasali, Kasalo at iba pa.

Although nami-miss ni Juliana ang kanyang showbiz career, mas pinaboran niya ang kanyang domestic life ngayong may sarili na siyang pamilya at sa Amerika na rin siya naka-base ngayon.

Fil-Brazilian-Jap Viva Artist, magaling gumuhit

Napaka-talented ng young Viva contract artist, ang 17-year old Filipino-Brazilian-Japanese na si Yuki Melendres dahil bukod sa mahusay ito sa academics sa school ay napakahusay pa nitong mag-sketch at mag-drawing ng mga portrait na nakakatulong din sa kanyang pag-aaral at sa kanyang pamilya.

Although sa Japan ipinanganak si Yuki, umuwi sila ng kanyang Filipina mother sa Pilipinas at dito na siya nagpatuloy ng kanyang pag-aaral.

Jao, ‘di nailang kay Rhen

Sa kabila ng kanyang pagpapaseksi sa mga pelikula tulad ng Adan, Untrue at The Other Wife, mas lutang ang husay sa pag-arte ang napapansin kay Rhen Esccaño na muli na namang hahangaan sa solo movie na Paraluman kung saan niya katambal for the very first time ang isa sa mga matinee idols ng 90’s na si Jao Mapa.

May pagka-May-December affair ang sexy romance-movie na pinamahalaan ng mahusay na director na si Yam Laranas na mas tumatak sa mga suspense-thriller-drama movies tulad ng Aurora, The Road Sigaw, Nightshift maging ang kanyang latest opus na The Death of A Girlfriend.

Samantala, inamin pareho nina Rhen at Jao na nawala umano ang ilang factor sa kanilang dalawa lalo na sa kanilang intimate scenes dahil sumailalim sila ng workshop. Hindi man gaanong pamilyar si Rhen kay Jao ay nag-research umano siya about him para mas makilala pa niya ito nang husto bago sila magkatrabaho.

Ang Paraluman ay nakatakdang mapanood sa Vivamax at sa iba pang digital streaming platform tulad ng ktx.ph, iWant TFC at iWant IPTV.

vuukle comment

SAM PINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with