^

Pang Movies

Niño iniyakan noon ni Ynez, Juliana kasal na sa amerikano!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Niño iniyakan noon ni Ynez, Juliana kasal na sa amerikano!

One month old na ang second daughter ng dating sexy star na si Ynez Veneracion na si Jianna Kyler at first baby nila ng kanyang present non-showbiz partner na si Julius Recto na pamangkin ni Sen. Ralph Recto. Si Baby Jianna ay nag-one month old noong nakaraang Lunes, August 30 at naghanda ng kaunti si Ynez for her family na pinagsaluhan nila kasama si Julius at panganay na anak ng actress na si Princess Keilah (10). Si Keilah ay anak niya sa dating gobernador and now represen­tative ng Maguindanao na si Esmael `Toto’ Mangudadatu (54). Ang huli ay ikinasal sa 2018 Miss Asia Pacific International na si Sharifa Akeel (24) noong nakaraang August 25, the politician’s 4th wife.

In fairness to Ynez, nung sila pa ni Congressman Toto na gobernador at that time ay inalok umano siya nito ng kasal na sa kanya ipinamamahala pero ang aktres na mismo ang umatras.

Nang mabalitaan ng politician na buntis si Ynez sa kanyang baby ngayon, tinawagan umano siya ni Cong. Toto at inalam kung sino ang ama ng bata.

“In fairness naman sa kanya (Cong. Toto), hindi siya nagpapabaya ng kanyang obligasyon sa kanyang anak (Princess Keilah),” pahayag ni Ynez.

Trenta si Ynez nang kanyang isilang ang kanyang panganay na si Keilah at 40 naman siya nang kanyang ipanganak ang kanyang second baby na si Jianna.

Inamin sa amin ni Ynez na first showbiz boyfriend niya ang dating child superstar na si Niño Muhlach pero umabot lamang daw ito ng anim na buwan. Since first love niya ni Onin (Niño) ay iniyakan umano niya ang kanilang paghihiwalay. Pangalawa at longest boyfriend naman niya ang character actor na si Mon Confiado na tumagal ng 17 taon. Pero hindi ito umabot sa kanilang pagpapakasal dahil sobra umanong lapitin sa babae ang actor.

Isa sa mga naging kasintahan ng actor ay ang dating sexy star na si Juliana Palermo now married sa kanyang American partner na si Joel Crabree kung kanino siya (Juliana) may one-year-old son. May 10-year-old son din si Juliana sa iba nitong nakarelasyon.

Fourteen years ang age gap ni Ynez (41) sa kanyang present partner na si Julius (27) at nag-alok din ito ng kasal sa aktres na kanyang tinanggihan.

Sa ngayon, naka-focus ang attention nina Ynez at Julius sa kanilang one-month old baby. 

Sa kabila ng pagkakaroon ng bagong partner ni Ynez, nananatili pa rin silang close and the best of friends ng kanyang ex-boyfriend na si Mon na sobrang close kay Keilah. Katunayan, nung time na nasa hospital si Ynez for the delivery of her baby ay na kay Mon ang kanyang panganay.

Si Mon umano ang itinuturing na father figure ni Keilah who calls him Daddy Mon. 

Speaking of Ynez, nagpa-renovate ito ng kanyang magandang bahay in an exclusive subdivision in Antipolo at gumastos umano siya ng halos P2M sa renovation lamang.

vuukle comment

YNEZ VENERACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with